Press Release
September 4, 2007

Transcript of interview with Senator Chiz Escudero

On Wowowee investigation:

Dapat bigyan natin ng pagkakataon muna ang DTI na gawin ang trabaho nila at kapagka hindi nila ginawa ang trabaho nila o palpak ang pagkakagawa doon dapat panghimasukan ng Senado. Sa ngayon pribadong away ito ng dawalng host at sa ngayon kung saka-sakali dapat tingnan muna natin kung gagawin ng DTI ang trabaho nila. Nag-joke si Joey de Leon dapat daw imbestigahan ang Hello, Papi, joke yun na hindi naman siguro dapat patulan ng Senado.

Tama lang na DTI ang bahala

Napanood ko yung ginawa ni Senator Roxas kanila, marapat lang na i- assign at itoka sa DTI na gawin nila ang trabaho nila upang sa gayon makita natin kung susundin nila ang batas. Pag-hindi nila ginawa yun doon siguro ang tamang panahon para pasukan ito ng Senado.

Ano ang dapat i-amend dahil sa flaws

Depende sa findings ng DTI, maski na kanina sa napanood ko sa telebisyon kaya naman gawin sa pamamagitan ng regulasyon dahil saklaw nay un ng batas na umiiral sa ngayon. Karamihan ng bagay at karamihan ng problema wala naman sa kakulangan sa batas, nasa maling pagpapatupad o kulang na pagpapatupad ng batas. Ang proteksyon ng consumers marapat na nandoon palagi at dapat bantayan ng DTI.

In a way my remiss din ang DTI dahil hindi nila nabantayan

Dapat proactive ang government agencies natin, hindi sila pumapasok lamang kung may problema na, mas maganda nga kung saka-sakali pasukan nila ang isang bagay bago pa man pumutok ang problema. Kapagka pumasok sila ibig sabihin may problema na at huli na. kamukha ngayon.

Dapat bang ituloy ang "Wowowee" investigation sa Senado?

Sa palagay ko hindi muna siguro ito ang panahon, bigyan muna natin ng tiyansa ang DTI na gawin ang trabaho nila kaugnay sa pagreregulate ng ganyang mga uri ng game shows. Ngayon hindi dapat pasukan ng senado ang awayan sa pagitan ng dalawang pribadong indibidwal, kung may papasukan man ang Senado, kung may kapalpakan man o mali mang ginawa ang ahensiya ng pamahalaan hindi ang personal na away ng dalawang tao.

On the postponement of the barangay and youth elections

Actually inaantabayanan naming ang version ng House, pag-aaralan naming pagdating non dito, pinapa-verify din naming kung may nagfile na dito sa Senado pero sa aking pagkaaalam tila wala pa. sa palagay ko tila inaalam pa ng kada senador dahil malawk an gaming constituency kung ano ang sentimento talaga n gating mga kababayan kaugnay sa bagay na ito.

May P2 billion budget for the elections

May nakalaang budget para diyan kung budget ang pag-uusapan at hindi dapat pagdebatehan iyon.

On ZTE issue

Panahon para ikansela ang kontratang iyon, napakabaho na at umalingasaw na ang baho ng kontratang iyan, nakakahiya na para sa ating lahat, lalo na para sa gobyernong ito kung itutuloy pa ang kontratang iton, sinabi naman mismo ni Teves, sinabi minsmo ni Andaya hindi pa naman pinal yan at hindi pa naman talaga ipapatupad yan. Kung tototo yun eh di hindi na ituloy kung anuman ang balakin nila kaugnay ng ZTE.

Dapat rin bang mag-initiate ang senate ng investigation tungkol sa ZTE

Iniimbestigahan na ng House sa ngayon, duplication yan kung gagawin yan dito pero siguro puwede rin, pero bago pa man dumating doon, bago pa man siguro magdesisyon ang Korte Suprema ikansela na nila yan para matapos na. sa puntong ito sa tingin ko napaka unpopular, napakabaho at napakadumi na ng kontrata para ituloy pa nila yan.

On ZTE uli

Umaalingasaw na masyado ang baho ng ZTE deal, marapat na kanselahin na yan ng pamahalaan. Nakakahiya na hindi lamang para sa gobyerno pero para sa ating lahat kung itutuloy pa natin yan sa kabila ng mga lumalabas na isyu tungkol diyan. Sinabi rin naman ng ilang mananaliksik hindi naman talaga kailangan ito, sinabi rin ni Secretary Teves at Secretary Andaya na hindi pa naman pinal ito, puwes kung hindi pa pinal, huwag na dapat at hindi na dapat ituloy. Huwag na nialng hintayin ang mga imbestigasyon at mga kasong isinampa sa Korte Suprema na magsabi pa sa kanila nito.

Dapat bang magkaroon ng imbestigasyon

Nagsampa na ng kaso sa Ombudsman ang ilang mga indibidwal at pati na rin sa Korte Suprema ang ilang mga indibidwal, marapat na hayaan natin ang mga kinatawang iyan na gawin ang trabaho nila. Trabaho ng Ombudsman na siyasatin ang pagnanakaw sa gobyerno, trabaho ng Korte na sabihin sa atin kung legal o illegal ang isang bagay. Kung hindi nila magampanan ang kanilang mga tungkulin doon dapat siguro pumasok ang senado.

Subalit sa puntong ito panawagan at hamon na rin sa administrasyon iatras na nila ito at tigilan na nila ito para maiwasan na rin yung sakit ng katawan na tila napipintong parating na sa kanila kung ipaglalaban at itutuloy pa nila ito.

Nakabinbin na sa Korte Suprema ang pagkansela ng kontratang yan, nakabinbin na rin sa Ombudsman ang pagkaso sa mga opisyal na diuamno nakinabang diyan, marapat na panagutan nila ang bagay nay an, pero payong kapatid ang binibigay natin sa administrasyon upang sa gayon huwag na nilang harapin ang sakit ng katawan na tila darating talaga sa kanila kung ipapagpilitan talaga nila ito.

Maaari pa bang makansela ang kontrata?

Kaya pa namang kanselahin ni Pangulong Arroyo yan, sinabi mismo ni Secretary Teves at Secretary Andaya na hindi pa daw final yan, wala pang pondong nakalaan para diyan. General agreement lang daw ang pinirmahan at isa lamang itong bahagi noon. Hangga't kaya yun na ang dapat gawin ng administrasyon habang maaga pa.

Impeachable ba yung kaso

I don't want to preempt the House. Pero puwedeng imbestigahan pero kung dumaarting ka na sa puntong liability ng impeachable officer, atras ka na muna at ibigay mo sa House.

On SWS survey that 71 percent say Arroyo administration is corrupt..

Hindi na ako makikipagdebate sa opinion n gating mga kababayan. Marahil bahagi nga ako doon sa porsiyento na iyon din ang iniisip, hindi nga lang ako natanong ng survey na yon. Nagpapakita lamang iyon na mahirap talagang maghusga ang isang pamahalaan na sa panahon ng ating mga kababayan, mas malala pa kaysa sa kanilang hinuhusgahan. Mahirap ibenta ang anumang desisyon o pagpasya kugnay noon.

News Latest News Feed