Press Release
August 29, 2007

Transcript of interview with Senate President Manny Villar

Q: Anu-ano po ang unang aayusin sa caucus mamaya?

SPMBV: Ang unang aayusin ay kung ano ang gagawin sa resolution na ito. Sa ngayon ay nasa Committee of the Whole pero maaaring malipat ito sa ibang committee. Open naman tayo kung ano ang mapapagkasunduan, basta matapos na lang. Kung puwedeng malipat sa committee, o pwedeng sa Committee of the Whole matuloy. And then kung ano ang mga rules sa hearing na gagawin para naman makapag-hearing na next week at masyado nang naaabala ito.

Q: Anong compromise ang nakikita ninyo? Sa tape?

SPMBV: Baka iyon ang pagpo-focusan Ang problema naman sa tape, nalaman na ang laman ng tape so hindi na masyadong mainit. Pero syempre magkakaroon pa rin ng debate sa playing of the tape, baka merong senador na mag-insist. Basta ang mahalaga sa akin ay matapos na itong isyu na ito at maresolbe na kung saang committee ibibigay. Sa akin naman kung anong committee, puwede rin. Any committee of the Senate, kayang hawakan ito.

Q: Do you prefer na sa isang specific committee na lang ma-assign para hindi naman buong Senado?

SPMBV: Sa akin talaga, hanggat maaari, sa mga committee na lamang ma-assign ang mga bagay na ito. Syempre and Committee of the Whole ay hindi mo dapat gingamit nang madalas maliban na lamang kung talagang iyon ang kahilingan ng nakakaraming senador, okay naman tayo. Hindi ko naman tatanggihan. Pero syempre, mas maganda kung anumang resolusyon ay maire-refer sa isang committee.

Q: Masyado na daw naaabala ang trabaho ng Senado dahil dito sa Hello Garci?

SPMBV: Kasi ngayon sa simula ng 14th Congress, syempre bago pa lamang na-organized ang ating mga committee. Inaasahan natin na ngayon pa lamang nagsisimula ang takbo niyan. Wala pa namang masyadong naaabala sa amin. Nililiwanag ko naman na ang Senado ay handang magtrabaho ng overtime kung kinakailangan kung gusto nating matapos itong mga ganitong imbestigasyon. Hindi lamang itong imbestigasyon na ito, pati iyong mga darating na imbestigasyon ay nakahanda kaming magtrabaho nang overtime para lamang huwag mabalam iyong mga regular na trabaho namin at pagpapasa ng ibang mga panukala.

Q: Ano ang nakikita ninyong win-win solution dito?

SPMBV: Siguro iyong manner ng pag-imbestiga, kung makakahanap kami ng isang pamamaraan na tatanggapin ng lahat, iyon ang isang magandang compromise. Pangalawa, baka mayroong isang mas magandang committee na magha-handle nito, okay din. Iyon ang mga posibleng mga compromises. Pero ayokong pangunahan muna ang aking mga kasamahan sa bagay na ito.

Q: Kahit hindi na Committee of the Whole?

SPMBV: Puwede naman iyon. Kasi originally, iba-iba namang committee iyan, puwedeng sa Defense, puwede sa Electoral Reforms. Maraming puwedeng pagbigyan ng committee ito. Pero kung Committee of the Whole ang mapagkasunduan, okay din sa akin iyan.

Q: Most likely, kailan po ang simula?

SPMBV: Kasi technically kung mare-resolbe ngayon, wala na this week kasi meron tayong three-day rule na kailangang ma-inform muna ang mga miyembro ng three days. So at the earliest niyan, Monday na. Kung ako ang magha-handle ng investigation na ito, siguro Monday or Tuesday. Ngayon kung maire-refer ito sa ibang committee, sa mga regular na committees, depende sa chairman iyon. (end)

News Latest News Feed