Press Release
August 24, 2007

Transcript of radio interview over
DZMM with Senate President Manny Villar

Ito po bang resolusyon ni Sen. Lacson tungkol sa Hello Garci investigation ay nakaumang na at wala ng atrasan pa?

SPMBV: Iyan ay pag-uusapan sa Martes dahil may proposal ang ibang senador na ito ay ibalik sa Committee on Rules para talakayin kung in order itong resolusyon dahil may mga senador na nagke-kwestyon kung legal yung hearing sa Hello Garci tape. Pag-uusapan namin ito ng mabuti at posible akong magpatawag ng all member caucus para pag-usapan once and for all ang isyung ito. Ako naman bilang Senate President, maliwanag naman na basta ma-prove ng maayos ang resolusyon, iyan ay di natin pipigilan. Wala tayong pipigilan na resolusyon sa pag-iimbestiga bagama't hindi natin hahayaan na mabalam ng mga imbestigasyon ang ibang trabaho ng senado. Kung kakain ng maraming oras ang imbestigasyon, mag-oovertime kami.

Ang pag-uusap po ba ninyo ay aabot sa botohan o sa paramihan kung sino ang pabor at hindi?

SPMBV: Kung kinakailangan, baka magkabotohan dito dahil may palagay ako na magiging matindi ang posisyon ng magkabilang panig tungkol dito. Maraming senador na pipiliting magkaroon ng imbestigasyon at marami ding senador na mag-o-oppose, kaya di nakakagulat kung magkaroon man ng botohan sa isyu

Ano po ba ang posisyon niyo tungkol dito?

SPMBV: H1ahayaan ko kung ano ang magiging desisyon ng majority. Bilang pangulo ng senado, gusto ko lang linawin na anumang resolusyon ay iimbistigahan natin, kaya nga lang, pag yung majority ng mga senador ang nag-oppose, walang resolusyon.

Mr. SP, posible daw magkaroon ng constitutional crisis pag ipinilit ng Malakanyang na ipatupad ang EO 464 sa panibagong imbestigasyon sa Hello Garci. Pwede bang i-compell ang Malakanyang na padaluhin ang mga opisyal ng gobyerno kasi may desisyon na dito ang Supreme Court.

SPMBV: Idineklara na iyan ng SC na unconstitutional at di iyan dapat gamitin ng Malakanyang sa Hello Garci kung saka-sakaling magkakaroon ng imbestigasyon.

Ano po ba talaga ang prayoridad ng senado, imbestigasyon o lehislasyon?

SPMBV: gagawin namin ang aming tungkulin. Nakita niyo na naman siguro kung ano ang ating ginawa at naging patakaran noong nakaraang taon. Binigyan natin ng prayoridad ang pagpapatibay ng mga panukala. Kaya lamang, di naman pwedeng pigilin ng senado ang mga resolusyon, magagalit naman ang tao kapag ginawa namin iyan. Hihiling na lang ako ng overtime sa aking mga kasamang senador kung sakaling mahabang panahon at oras ang kakainin ng imbestigasyon.

Pero dapat mas maraming oras na ilalaan sa mga mahahalagang panukalang batas.

SPMBV: Totoo iyan. Maraming mga mahahalagang panukala na nasa komite na sa ngayon na di pwedeng maabala gaya ng 2008 national budget at JPEPA. Iyan ay kailangan ng pag-usapan dahil gusto nang malaman ng Japan kung iyan ay ating ira-ratify o hindi. Mabigat talaga ang trabaho namin at alam ng mga senador na kung anuman ang mga iimbestigahan namin, kailangan kaming mag-overtime.

Nai-submit na po ang 2008 budget na mahigit isang trilyong piso, sa tingin ninyo, babawasan po ba ito o dadagdagan ng senado?

SPMBV: Titingnan natin iyan. Mas malaki ngayon yung budget kumpara noong nakaraang taon. Masyado pang maaga para sabihin ng senado kung ito ay babawasan o imi-maintain. Susuriin at bubusisiin namin ito ng mabuti sa pamamagitan ng Committee on Finance na pinamumunuan ni Sen. Enrile. Nakikita ko naman na malaki ang increase sa mga basic services at ito ay maling tulong sa ating mga kababayan. (end)

News Latest News Feed