Press Release
August 8, 2007

Transcript of interview of Senate President Manny Villar

Pacheco: A lot of senators are not happy with the committee chairmanships

SPMBV: Hindi naman. 23 ang senador. So far naman ang hindi happy ay konti lamang. Talagang ganyan ang lider, hindi mo kayang pasayahin lahat ng tao. Sa akin, basta iyan ang gusto ng nakararami at iyan naman talaga ang sistema syempre, mayorya muna ang pipili. Pinilit ko rin naman na bigyan ng mas maraming committee iyong minorya para hindi naman nila masabi na hindi sila pinagbibigyan. At saka syempre, ang mahalaga sa akin ay ma-unite ang buong Senado. Iyon namang mga nakakuha ng committee sa minorya, okay naman, hindi naman kumikibo at iyon namang mga happy na sa mayorya, hindi na rin kumikibo. Kung titingnan mo ang dyaryo, mga tatlo o apat lamang na senador ang talaga namang hindi happy. Kapag ganyan, okay na iyan. Hindi mo talaga kayang pasayahin lahat.

Carandang: I guess all of these arose from the fact na tumakbo kayo bilang opposition tapos at the end of the day, ang mayorya sa Senado is largely administration

SPMBV: Unang-unang, kung titingnan natin, last year nakakuha ng pinakamataas na approval rating ang Senado. Ganyan ang sistema, magkakasama sa mayorya sina Sen. Frank Drilon, Sen. Pong Biazon, Bong Revilla, Lito Lapid, Miriam Defensor. Sama-sama sila but iyon ang Senado na nakipaglaban para huwag matanggal ang Senado sa mga pagtatangka na tanggalin ito. Iyon din ang Senado na nagpasa ng mga panukala na pangkaraniwang ipinapasa. Iyon din ang nagustuhan ng ating mga mamamayan. Ganyan talaga sa Kongreso. Kung natatandaan ninyo naman sa Mababang Kapulungan, ang naglaban parehong administration, si Congressman Garcia at Speaker de Venecia. Dito naman sa Senado pareho namang oposisyon ang naglalaban. Ang rule diyan, kung sino ang bumoto sa Speaker, sila ang majority. Kung sino ang bumoto sa Senate president, sila ang majority. Iyon namang sinasabi ng iba na oposisyon na hatian, hindi rin naman ganyan. Sa hatian nga namin sa Commission on Appointments, ayaw na nila ng majority-minority. Ang gusto nila by party. Ang Liberal Party sinulatan na ako at ang hatian na gusto nila by party. Meaning, apat sila sa LP, sila ang kukuha ng kanilang CA at ang NPC, PDP. Kaya hindi ganyan ka-simple sa Senado. Hindi iyong parang oposisyon. Sino ang oposisyon halimbawa? Kung natatandaan ninyo, noong nakaraang eleksyon, humiwalay ang LP sa Genuine Opposition. Hindi ba nagpa-declare ang LP na dominant minority at iyong mga kandidato ng GO hindi naman automatic na nakakuha ng election returns. Iyong mga Nacionalista Party nga naiwan sa GO at marami sa kanilang mga kandidato hindi nakakuha ng election returns. Iyong last elections, Liberal ang dominant minority, ang GO hindi. Ngayon sa oposisyon naman, ang minorya ang kumbinasyon ng GO, in fact baka nga hindi GO iyan, PDP-Laban at ng Liberal.

Carandang: Siguro ang sinasabi nila, okay nanalo kayo bilang oposisyon, dapat nakipag-usap muna kayo sa oposisyon tungkol sa committee chairmanships bago ang majority. Ang sabi nila, imbis na ang oposisyon ang kinausap ninyo, kinausap ninyo ang admin to form the working majority?

SPMBV: Hindi naman totoo iyan. Ang totoo niyan, una munang nag-meeting ang iba at maliwanag naman na ang plano ay tanggalin ako bilang Senate president. Alam mo hindi lamang ako kumikibo

Carandang: Sa oposisyon?

SPMBV: Sa minorya. Kasi hindi ko naman sasabihing oposisyon. Ang problema naman sa iba, sila lamang ang tingin nilang oposisyon. Sa tingin ko naman, noong nakararaang ilang taon nakipaglaban din naman kami hindi lamang sila ang nakikipaglaban. Hindi naman nila monopoly ang pakikipaglaban. Syempre naman ako naman ang incumbent na Senate president, hindi naman ako papayag nang ganoon. Pero gayon pa man, iyon ang rules of the game, kung baga parang basketball. Kinausap ko naman sila. Ang totoo niyan ang hindi ko na lang kinausap ay iyong nag-organize ng grupo, pero iyong iba kinausap ko naman at nalaman ko na ganoon nga ang plano, sa kanila din naman. So sabi ko, kung ganyan ang plano, basta tatanungin ko na lang, iyon naman ang rule sa Senado, kung sino ang gusto sa iyo.

Carandang: Ang nangyari sa oposisyon, pagkatapos ng eleksyon balak ka nilang patalsikin sa pagka-Senate president? Iyong iba diyan?

SPMBV: Oo naman. Hanggang ngayon naman hindi pa tumitigil.

Pacheco: Pero ang sabi nila, iyon daw pamimigay mo ng chairmanships, iyon ang pagbalik mo sa mga gustong magtanggal sa iyo as Senate president?

SPMBV: Hindi naman. Hindi talaga sasaya iyan. Kung natatandaan ninyo noon, ang sinasabi lang nila ang gusto lang namin ang Blue Ribbon sa oposisyon mapunta, okay na sa amin. Ngayon ang Blue Ribbon pumunta sa oposisyon, hindi pa rin okay. Hindi ookay kasi iba naman ang motibo kasi.

Carandang: Dahil ba ito sa presidential politics? Iyong pagkakawatak-watak daw sabi nila, has to do with individual ambitions of all of you

SPMBV: Ang sa akin, unang-una ilagay natin sa tamang perspektibo ito. Nagsisimula ang 14th Congress. Normal iyan. Normal na talaga sa mga organisasyon na may away-away iyan. Positioning lahat iyan. Pero after a while, iba na ang takbo niyan. Ako naman ang eksperyensya ko sa ganito, normal iyan sa simula. Maski sa House hanggang ngayon hindi pa tapos, nag-aawayan pa rin. Syempre talagang ganoon pero after a while

Pacheco: Positioning for what, sir?

SPMBV: Lahat naman ng tao, syempre mas magandang committee ang makuha niya, mas maganda. Lahat iyan gusto ganitong committee ang makuha niya Huwag nating kalilimutan na dalawang linggo pa lamang ang nakakalipas. Sa dalawang linggo na iyan, talaga namang lahat syempre ang gusto mas maganda ang committee niya. Ikaw naman bilang Senate president titingnan mo lahat ang pinaka-optimum. Hindi mo kayang lahat pasayahin. For example sa minority, nasa kanila ang Defense. Isa sa pinakamahalagang committee ang Defense lalong-lalo ngayon dahil sa problema sa Basilan. Kay Senator Biazon iyan. Iyong Trade and Industry, may cheaper medicines bill, napakaraming mahahalagang panukala, kay Senator Roxas. Itong Local Government, merong barangay elections ngayon, nakay Sen. Noynoy Aquino iyan. Lahat pala sila Liberal. Nakikita ninyo naman, lahat sila may committee. Si Senator Legarda nga dalawa pa ang committee. Si Senator Jamby two or three committees. Ayaw lang kumuha ni Senator Lacson ng committee. Minority Floor Leader si Sen. Nene Pimentel. If you look at what they got, actually as a whole, hindi masama. Who would say na hindi maganda ang Local Government? Magagalit ang local government officials niyan, iyong mga barangay natin napakahalaga niyan. Ang Defense? Syempre isa sa pinakamahalaga iyan. Iyon namang Economic Affairs kay Senator Legarda, napakahalaga ng economic affairs sa ating bansa. Ang Trade and Industry nakay Senator Roxas, napakahalaga din. Ang sinasabi ko lang, hindi rin naman masasabi na ang minorya ay kinalimutan namin. In fact, very careful ako sa pag-allocate ng CA at very careful ako sa pag-allocate ng Electoral Tribunal para masiguro natin na fair. Sa majority naman, lahat iyan, iyan ang hiningi nila noong una ni-negotiate ko naman iyan sa mga senador natin. Noong tinatanong ko sila, ano ba ang gusto ninyo, ito naman ang gusto nila. So actually, most in the majority got what they wanted. Iyong mga iba, one or two, may mga kadahilanan naman kasi. Ang kahilingan nila ay huli nang dumating at hindi na kayang i-accommodate.

Carandang: Like the case of Senator Zubiri?

SPMBV: Senator Zubiri, kasi naman huli naman siya na. Kahit papaano naman, naibigay na ang lahat pero hindi mo rin naman maitatanggi na ang Housing ay napakahalaga sa ating mga kababayan. Ang kooperatiba na kanyang kinuha ay napakahalaga naman. Puwede ba nating sabihin na ang mga cooperatives, hindi importante iyan? Napakaraming cooperatives sa buong Pilipinas, importante din naman iyan. To me, I tried. Sa tingin ko talaga, magandang-maganda naman itong pagkaka-handle nito. Binigay ko iyong Blue Ribbon kay Sen. Alan Cayetano. Batang-bata iyan, naiintindihan ko pero magaling namang lawyer iyan. Nine years sa House of Representatives at saka sa oposisyon siya galing. Hindi naman masasabi din na binigay sa admin. In fact, kung may dapat magtampo diyan, iyong admin nga, nagrereklamo ang oposisyon pero admin naman talaga kung meron dapat magtampo. Ang gusto lang naming sabihin, ang Senado ay independent. Hindi naman kami papayag na masabing kami ay admin, hindi rin naman kami papayag na kami ay masabing oposisyon. Kami ay independent. Ito po ang policy natin sa mga nakakaraang panahon, gusto nating magpasa ng maraming panukala, gusto nating maging independent. Independent na sa palagay ko ay iyon naman ang gusto ng tao. Last year nagpakita ng independence ang Senado at nagustuhan naman ng tao. In fact, kitang-kita naman natin na pinakamataas ang approval rating ng Senado sa lahat ng ahensya ng gobyerno. Ako naman ay nakakuha ng pinakamataas na rating sa mga top government officials. Syempre sinusunod mo rin naman kung ano ang gusto ng ating mga kababayan.

Carandang: Do you think there will be a few more days and then you will buckle down to work?

SPMBV: Iyong sama ng loob, hindi matatapos iyan. Pagkatapos nitong problemang ito, may darating na namang bago. Okay lang iyan. Ang mahalaga ay naidederekta mo ang takbo ng Senado sa inaasahan natin na magpapasa ng mga panukala, mag-iimbestiga kung kinakailangan at hihingi tayo ng interpretasyon ng batas kung kinakailangan. Kung kinakailangan tayong dumulog sa Supreme Court, gagawin natin iyan. Basta ang importante ngayon, may desisyon na at tayo ay makakaabante na. Hindi talaga sasaya ang lahat sa ginawa kong desisyon pero wala akong magagawa. Kung meron tayong na-offend doon ay humihingi tayo ng paumanhin. Hindi naman kaya na na pagbigyan ang lahat.

Carandang: The presumed frontrunner, whether they declare it or not, are you and Mar Roxas. Are we looking at a Nacionalista-LP presidential contest?

SPMBV: Hindi ko tinitingnan iyan ng ganyan. Uang-una magagalit sa iyo ang ibang presidentiables na ang tingin nila ay sila ang frontrunner. But to me, kung ano man iyan, sinasabi ko lang na ang Nacionalista Party ay talagang bubuhayin na ng husto ng mga miyembro iyan. Ang mga miyembro ay nag-uusap na sa buong kapuluan na ang aming hangarin ay ibalik iyong dating galing ng Nacionalista Party. Ito ang partido na ang slogan ay 'ang bayan higit sa lahat.' Nationalism ang kanyang unang-unang adhikain. Iyan ay sisimulan na namin this year. 100th anniversary ng NP and tina-timing lang namin iyan, napagkaisahan namin, after elections we will now start iyong paglaki muli ng NP towards its objective na maibalik ito bilang isa sa dalawang pinakamalaking partido sa buong Pilipinas.

News Latest News Feed