Press Release
August 7, 2007

Transcript of interview with Senate President Manny Villar

Q: Did you find convergence between the palace-proposed agenda and the Senate?

SPMBV: Okay naman. Ang budget halimbawa ay pinag-usapan kanina sa LEDAC at iyong JPEPA. Pareho naman iyong tatalakayin ng Senado bagamat syempre, hindi pa tayo pwedeng makagawa ng official position diyan sa dalawang panukala na iyan dahil parehong malaking discussion muna bago tayo gumawa ng opinion. Susuriin muna nating mabuti ang budget, lalo nang susuriin natin itong JPEPA dahil talagang parehong magkabilang-panig niyan ay dapat pakinggan. Maraming advantages na ibibigay sa atin iyan from an economic point of view pero marami rin namang mga concerns lalong-lalo na sa environment. Doon naman sa mga ibang panukala, humihingi lang naman ng suggestion ang Malacañang din sa mga senador at sa mga congressman. Halos lahat naman ng ipino-propose doon ay isinasama sa listahan ng mga priority bills. Kanina parang warm-up lamang at iyong dalawang malaking bills lamang ang kumuha ng oras.

Q: They did not discuss the emergency powers?

SPMBV: Wala naman discussion sa emergency powers. Palagay ko baka hindi rin naman i-bring up iyon. Hindi siguro magiging prayoridad ng Senado iyon kung saka-sakaling mabi-bring up ang bagay na iyon.

Q: May admin senators na hindi kuntento sa committee chairmanship na naibigay sa kanila. Wala daw consultation?

SPMBV: Hindi naman. Lahat naman iyan halos ay nakausap ko ng one-on-one. Hindi talaga kayang ma-satisfy lahat, sa majority at sa minority. Syempre meron talagang masama ang loob and merong hindi. Hindi natin kayang pasayahin lahat.

Q: Iyong swapping, puwede ba?

SPMBV: Sa usapan naman iyan, puwede. Wala naman masama doon kung mag-uusap-usap iyong dalawang chairman at maga-agree sila. Wala namang problema doon.

Q: With the filling up of the committees, are you now ready to buckle down to work?

SPMBV: Iyan ang magandang tanong. Talagang ready na tayo. Pangatlong linggo ngayon, kagaya ng aking sinasabi sa inyo na after two weeks ay gagawa tayo ng decision sa mga committees at gumawa naman tayo. Sa palagay ko ngayon, makakaabante na tayo at makakatrabaho na. Napakahalaga na makatrabaho na ang Senado at ang atin pong buong Kongreso para makagawa na ng mga panukala at para iyong mga committee ay tumakbo na. Hot na hot na rin naman ang mga senador sa pagtawag ng kanilang mga respective na committee.

Q: Do you see a similar problem in the allocation of CA seats?

SPMBV: Wala naman siguro. Pero talaga iyang CA, parating may problema iyan. Medyo mahirap din iyan. Iyan ang pangalawang problemang haharapin natin, ang CA at ang electoral tribunal. Subalit halos meron na kaming preliminary proposal at mukhang okay naman. Marami naman ang nagkakasundo-sundo na, parang hatian na.

Q: Ano ang formula ninyo?

SPMBV: Iyon ang pag-uusapan namin kung ang gagawin namin ay base sa party, kasi syempre sa Konstitusyon natin, sa partido ang basis niyan. Wala naman akong nakikitang malaking kaibahan kung ang gagawin ay ang partido at kung ang gagamitin ay iyong minority-majority.

Q: But the Constitution requires party representation

SPMBV: Puwede rin iyon. Pero kung maga-agree gaya noong mga dati, ang ating ginagawang hatian ay sa majority-minority. Natatandaan ninyo noong 13th Congress ay majority-minority ang hatian. Although syempre, lahat ng partido represented so hindi naman naba-violate ang Konstitusyon natin. Subalit wala naman tayong problema diyan. Ako ay hindi nababahala kung gusto ng mga miyembro na by party, iyan na nga ang sinasabi ko noon na talagang hindi ninyo pwedeng ignorin ang partido kaya ngayon lumalabas na naman na talagang nasa loobin pa rin ng mga miyembro ng partido ang mga partido nila. In fact, baka iyan ang maging basis natin ngayon sa pag-appoint ng mga miyembro ng CA.

Q: May dikta daw from Tanay?

SPMBV: Palagay ko wala naman dahilan sa iyang mga chairmanship ng committee na iyan ay marami diyan dalawang buwan na ang nakakalipas noong pinag-usapan.

Q: Si. Senator Joker ba mabibigyan ng seat sa CA?

SPMBV: Oo naman, sigurado iyan.

Q: Buo pa rin ang Wednesday Group?

SPMBV: Oo naman, buo pa rin ang Wednesday Group, buong-buo iyan.

Q: Iyong public services?

SPMBV: Hindi pa naman natatawag iyon. Syempre gusto namin siyang kunsultahin kung tatanggapin niya iyon. Syempre iyon ay bilang pag-galang sa kanya. Kinikilala namin na siya ang eksperto sa bagay na iyan, iniiwan namin sa kanya ang committee na iyan.

Q: Magkikita-kita ang Wednesday Group bukas?

SPMBV: Baka.

Q: Si Sen. Alan Peter meron na ring automatic seat sa CA?

SPMBV: Lahat naman makakaupo sa CA, papalit-palit lamang ng oras.

Q: Term-sharing?

SPMBV: Maraming magte-term sharing.

Q: Iyong priority nila, priority rin ng Senate?

SPMBV: The budget is a priority of everybody, parati naman iyan. Iyong JPEPA, obligado na rin siguro tayong pag-usapan iyon bagaman hindi natin maipapangakong papasa iyon.

Q: Kung ayaw tanggapin ni Sen. Arroyo ang public services, mababakante na lang?

SPMBV: Hindi naman siguro. Pagtagal-tagal baka mapuno din iyan. No rush naman iyon. Matagal pa naman iyan.

Q: Reaksyon ninyo sa sinabi ng presidente na i-hold muna ang 2,600 percent increase sa tax sa vehicles?

SPMBV: Ako ay willing na huwag munang gawin iyon. Sumasang-ayon ako na huwag muna. Masyadong mabigat naman iyon.

Q: Na-raise ba ang cha-cha sa Ledac?

SPMBV: Hindi. Wala sa prayoridad, hindi namin napag-usapan.

Q: May panibago daw executive order dahil magi-start na ng investigation ang Senado?

SPMBV: Basta kami dito sa Senado ay bukas na ang mga committee. Kanya-kanyang committee na iyan. Bahala na ang mga chairman. Pinapaubaya ko na sa kanila kung ano ang kanilang mga gagawin, sumusunod lang ako.

Q: Hindi ba natakot ang presidente sa pagluklok kay Sen. Alan as chairman ng blue ribbon?

SPMBV: Hindi ko alam. Hindi naman kami nag-usap ng one-on-one. Ang LEDAC naman, marami ang nandoon, mga 30-40 yata.

News Latest News Feed