Press Release
June 4, 2007

Transcript of interview with Senate President Manny Villar

If JPEPA will be discussed this session

MBV : I doubt it.

How about for the next session?

MBV : Well yun iba naman yun, siyempre nasa sa rekomendasyon yan ng Chairman ng Foreign Relations.

But is it going to be easy?

MBV : Ah no, certainly not easy. Thats going to be tough kasi we have toxic- meron yang toxic issue, nobody wants it naman kung merong toxic na kasama yun. Kaya lang siyempre in fairness to the proponent of the treaty, we have to hear the benefits also para to give it a fair trial or fair hearing.

Yun lang ba or marami pang iba?

MBV: Yun lang ang kontrobersiyal sa mga treaties. Maraming treaties pero yun lang ang kontrobersyal, yung iba mga safe lang.

Naniniwala ba kayo test case daw yun?

MBV: Test case on what?

Dun sa Senate law. Yun daw kasi yung uunahin ng Malacanang pagpasok ng session?

MBV: Wala namang masyadong influence yung Malacanang dito. Wala masyado.

Sir dun sa Senate Presidency, sa tingin niyo mare-retain niyo pa ba, OPPO naman din kayo at OPPO ang bilang ngayon?

MBV: Wala naman, I dont see any problem.

So youre confident youll retain your (Senate Presidency)

MBV: Oo naman. Bakit naman hindi wala naman akong nakikitang problema.

Nakausap niyo na po ba ang inyong mga kasamahan, ano pong sabi nila?

MBV: Okay naman, hindi ka naman magiging President ng hindi ka naman marunong sa mga bagay na yan.

Sir yung Committee Chairmanships?

MBV: Madami namang available.

But the opposition wants the major to

MBV: First we have to define kung sino yung opposition.

How would you define the opposition sir?

MBV: The senate is determined by majority and minority. Ayun naman ay kung sino ang magugustuhan ng ating karamihan ng mga Senador, yun naman talaga ang nagiging Senate Presidentand yun pa rin ang masusunod ngayon. So kung ikaw ang magugustuhan ng karamihan ng mga Senador,ikaw ang magiging Senate President. In fact hindi ka magiging leader kung hindi ka gusto ng karamihan

Fate pa ba ang Senate Presidency ni Villar?

MBV: Alam mo the reality is hindi naman pinag-uusapan yan dahil unanguna ay hindi pa nga kami naipo-proklama, naglilinis pa ng mga utang yung iba, nagbabayad pa so wala munang mga serious discussions on this.. but personally wala naman ako nakikitang problema.

No serious threat naman?

MBV: Wala naman ako nakikitang problema.

Sabi kasi nila baka mabuwag yung oposisyon dahil masyadong maraming ibat ibang parties?

MBV: Ang Senado talaga is a complicated na institution yan and while there are only 23 members talagang may kanya-kanyang mga kaisipan. At yan ay dapat pa pag-aralan ng sinumang pangulo ng Senado.

So paanong diskarte ba ng isang magaling na Senate President?

MBV: Well ang unang-unang gagawin mo pagka ganyan ay huwag mong sasabihin kung ano ang gagawin mo

(On JPEPA)

MBV: Well, to be fair ay titingnan naman naming yung magkabilang panig bagamat siyempre ay hindi naman namin binibigyan ng prayoridad yan at kung ihahabol sa ngayon, palagay ko hindi na mahahabol yan.

Pero tiningnan niyo yung exchange of diplomatic notes or Japan promise not to dump waste will that suffice?

MBV: Alam mo napakapangit kasi na simula pa lang may desisyon na tayo o meron na tayong konklusyon so bibigyan ko ng fairness naman yung hearing at sasabihin natin na titingnan natin yung magkabilang panig. Papakinggan din natin Hindi nga lang tayo nagmamadali na talakayin yang JPEPA

Sinasabi ho Senate is a complicated political animal?

MBV: Institution.

Yun SOFA po Sir ng Australia, yung Status of Forces Agreement in Australia, what do you think of that? Mas mabilis po ba yun kaysa sa JPEPA?

MBV: Hindi rin. Titingnan din namin yun kasi medyo mabigat din yun parang rereviewhin naming yan in the light of what happened dito sa rape case, yung VFA na nangyari dito, nakita na natin yung kahinaan ng VFA so talagang ngayon hindi na ganun kadali yung pag-aprub niyan talagang kailangan ma-review nating mabuti yang bawat isang agreement dyan. Yung nangyaring kaso na yun na rape ay talagang isang bagay na maliwanag na nagsasabing tingnan natin ang bawat agreement ng Visiting Forces.

Sir paano yung JPEPA next congress na yun?

MBV: Well sa kin titingnan natin yan kung bibilis yan o hindi siyempre nasa Chairman yan ng Foreign Relations kung sinuman yun.

Whats the word from the Palace, will they submit this as a treaty or will they stick to their position na executive agreement lang yun?

MBV: Hindi ko alam, so far wala pa namang sinasabi sa min. Basta kami as far as were concerned ito ay isang treaty at dapat nating ma-ratify. Kung iniiba nila ang interpretasyon diyan ay kukwestyunin namin yan.

In the next congress na Sir?

MBV: Oo next congress na siguro. Hindi naman kami nagmamadali diyan.

Tourism Code of the Philippines nasa agenda?

MBV: Dito wala na namang problema sa Senado e. Ang kelangan natin ngayong malaman yung sa Mababang Kapulungan so kung ano ang gagawin nila at kung nasaan na sila yun ang kailangan nating malaman(papasa ba yun?) yung tourism hindi pa yata e, pasado na rito, pero pa-follow up pa natin dahil sa talagang lahat ng bill na ipinasa ng Senado ipa-follow up pa baka sakaling maihabol pa.

Sir happy ka at number four?

MBV: Happy naman ako maski na anong number.

News Latest News Feed