Press Release
March 16, 2007

STATEMENT OF SENATOR MAR ROXAS
ON US INVESTIGATION ON EXTRA JUDICIAL KILLINGS IN RP

Itong mga hearing na nangyayari sa US tungkol sa human rights violations dito sa ating bansa mahalaga ito dahilan sa nagpapakita na kung tayo rito sa ating bansa ay hindi natin pinapahalagaan ang buhay ng ating mga kababayan iyung mga ibang bansa pa ang nagbibigay diin sa kahalagahan nitong human rights na ito.

At kung ito ay magsisilbi bilang kasangkapan upang lalong masugpo itong mga human rights violations na ito; para matigil itong harassments at violations na ito; at para matigil din itong extra judicial killings at para masolbar nga itong mga killings na ito ay malaking tulong ito para sa atin.

Ang mahalaga rito sa isyu na ito ay iyong halos 800 na extra-judicial killings na hanggang sa ngayon ay walang solusyon, iyung mga harassment na nangyayari at mahalaga na mabigyan attention ito.

Nakakalungkot na kinakailangan pang ibang bansa ang pumuna sa atin. Itong mga namatay na ito ay mga Pilipino dapat tayo pa mismo ang manguna sa pagbibigay halaga, unang una sa kanilang buhay, pangalawa sa pamamaraan sa kanilang pag paslang at pangatlo sa pagresolba nitong bagay na ito.

News Latest News Feed