Press Release
March 14, 2007

TRANSCRIPT OF INTERVIEW WITH SENATE PRESIDENT MANNY VILLAR (DZRH)

Kami ay nabibigla sa iyong kampanya SP Villar dahil mababalitaan mo na nasa Visayas, sa Cebu at kung saan-saan, tapos balik na naman sa Metro Manila. Paano po ba ang sistema ng inyong kampanya?

SPMBV: Systematic ang ginagawa natin para makarami. Kaya nga tayo nag-iisa sa kampanya. Dalawang lalawigan, at isa sa Metro Manila ang pinupuntahan ko para balanse ang napupuntahan ko sa bansa. May kalamangan iyong ikaw ay nag-iisa dahil mas marami kang nako-cover, walang hintayin. Kay among daanan ang lahat ng bayan na gusto mong daanan. Palagay ko itong kampanya ko ngayon ay magsisilbing modelo sa mga darating na panahon.

Mukhang nagkaroon na ng pagbabago ang sistema ng pangangampanya ngayon. Di tulad dati na yung mga rally sa gabi, ngayon, mukhang di na ganoon ang sistema.

SPMBV: Malaki na ang ipinagbago ng panahon. Napakahalaga na ng media ngayon dahil lahat ng tayo ay busy na at wala ng panahon na mag-attend ng rally. Kaya nanonood na lang sila ng TV, nakikinig ng radio at nagbabasa ng radio. Ito ang paraan para marating mo ang mga botante. Pero syempre, kakamayan mo din, mag-iikot ka din para makikita ka nila. Pero dapat din nating maunawaan na mahigit 40M ang mga botante at iyan lahat ay di mo kayang marating.

Kayo ay kilala din bilang matagumpay na negosyante, ano po ang pananaw niyo sa PERC survey na pinakatiwaling bansa ang RP sa buong Asya?

SPMBV: Masakit, kaya lang dapat magising tayo sa katotohanan na iyon ang tingin sa atin. Magalit man tayo o hindi, hindi na natin mababago ang paniniwala ng mga na-interbyung mga negosyante. Harapin na lang natin iyan at pagtulung-tulungan na mabago ang image na most corrupt. Hindi madali ang pagbabago sa image na iyan at dapat ding maging wake up call iyan sa ating gobyerno na isa sa dahilan kung bakit ganyan ang image natin ay dahil sa mga nanunungkulan.

Isipin natin na ang pag-unlad ng ekonomiya ay dependent din sa pagpapatakbo ng gobyerno, hindi ho ba?

SPMBV: Tama iyan. Syempre takot ang mga investors, kaya mas gugustuhin nilang maglagay ng kanilang negosyo sa ibang bansa. Malaking kawalan iyan sa ating ekonomiya.

Would you say na di kailangan ang legislation para mapatino ang gobyerno?

SPMBV:Hindi na, madami nang batas dyan. Plunder nga, bitay na. Wala na namang mas mabigat sa bitay dahil isang beses ka lang dapat patayin. Wala na tayong maidadagdag na parusa.

Ang oposisyon ang sinisisi ngayon ng administrasyon kung bakit ganito ang tingin ng international business community sa ating bansa.

SPMBV: Hindi naman nagbabasa ng dyaryo ang mga dayuhan. Palagay ko, ang pananaw na ito ay base sa kanilang eksperyensya. Kasi nakikita ko yung mga kaibigan kong negosyante lalo na sa labas ng bansa na ang kanilang binabasa ay yung mga dyaryo nila katulad ng wall street journal. Di sila nagbabasa ng local papers. Karamihan din naman sa kanila, hindi rin kilala kung sino ang taga oposisyon at taga administrasyon.

So, di pwedeng i-atrribute sa oposisyon ang bagay na ito?

SPMBV: Hindi talaga. Halimbawa sa radio, ang salita natin Tagalog, kaya di naiintindihan ng mga dyuhan ang sinasabi natin. Kaya mali na sisihin ang oposisyon sa perception na ito.

Sa inyong second term, may partikular concern na ba kayong gustong i-push?

SPMBV: Dapat mas bigyang atensyon ngayon ang mga sector na nagbibigay ng mas maraming trabaho. Nagbibigay tayo ng incentives sa mga kompanya base doon sa laki ng kanilang investment pero dapat ang unang tanong diyan ay: ilang trabaho ba ang maibibigay ng kompanyang yan para yung bibigyan natin ng incentive ay yung mga kompanya na magbibigay talaga ng maraming trabaho. Bagamat ipinagmamalaki ng gobyerno ang growth natin, kung tawagin naman ito ng World Bank ay jobless dahil walang mga hanapbuhay.Kung ililipat natin ang incentives sa mga nagbibigay ng hanapbuhay, maski na pareho ang growth natin, mas marami ang makakatikim ng ginhawa dahil mas maraming trabaho ang maibibigay. Pangalawa, gustong kong itulak din ang reporma sa ating edukasyon para yung kurso na maraming demand sa trabaho ang kunin ng mga estudyante sa kolehiyo. Marami ngayon ang mga bata na hindi napapayuhan sa tamang course na dapat nilang kunin kahit walang masyadong demand sa market ng kursong yun. Kailangan natin ng maraming engineers, mga nurses, mga doctor at maging sa call center industry. Kaya dapat itaas ang level ng English proficiency sa ating mga eskwelahan.

Kayo po ay naging Speaker of the House at ngayon sa unang term ng panunungkulan bilang kagawad ng Senado, naging SP naman kayo. Hindi ho ba napakalaking achievement nito para sa inyo?

SPMBV: Ako ay natutuwa din pag naiisip ko na ako lamang ang naging ganyan. Pero mas gusto kong sabihin na yung 1st time kong nanungkulan sa Senado ay nakapagpasa tayo ng 164 bills na apat na doble ng karaniwang ipinapasa ng senado sa nagdaang mga taon. Sa loon lamang iyan ng anim na buwan. Nabura natin ang image ng senado na mabagal at walang ginagawa kundi mag-imbestiga. Wala ng makakapagsabi na kami ay tamad dahil napakarami ng mga panukala na ipinasa namin. Mahalaga kasi para sa akin na may produksyon, mahirap yung puro general ang statement mo na maganda ang performance ko, ang mahalaga ay kung ano at ilan ang nagawa mo. Dapat masasabi mo yung bilang at kung anu-ano ang mga ito para maliwanag sa isipan ng mamamayan ang performance mo at hindi ka nambobola.

Dahil sa inyong projection ng Sipag at Tiyaga na kaya kayo nagtagumpay dahil dito, ito ngayon ang nagiging inspirasyon ng mga kabataan lalo na sa mahihirap na lugar.

SPMBV: Kaya nga ako nag-iikot sa mga eskwelahan at mga palengke. Sinasabi ko sa mga kabataan na kung anuman ang kanilang problema, may kapansanan man sila o hindi masyadong matalino o mahirap ay di sila dapat mawalan ng pag-asa. Malaki ang pag-asa nila basta may Sipag at Tiyaga. Yun din ang gusto kong ibahagi sa mga taga palengke, na kahit nagtitinda lang kami ng isda nung araw, ay umasenso ako dahil sa Sipag at Tiyaga.

Marami ang nakakapansin na si Manny Villar ay mga palengke ang pinupuntahan. Yung iba umiiwas sa mga wet market, pero kayo paborito niyo palengke

SPMBV: Talagang pinupuntahan ko yung isda. Yung iba kasi sa dry section lang pumupunta. Ako hindi, sanay na sanay ako sa isda. Masaya naman ako dahil natutuwa naman yung mga tao sa palengke. Nag-eenjoy ako, at home na at home ako sa mga palengke at parang bumabalik ako sa aking pinanggalingan.

Isa sa mga dahilan kung bakit naa-appreciate kayo ng mga taga-palengke dahil di nila akalain na ang isa sa mga itinuturing na pinakamayaman sa Senado ay makakasalamuha nila sa loob ng palengke

SPMBV: Hilig naman kasi natin iyan, Masarap kumain sa palengke, yung mga kakanin, kumakain ako lalo na pag malapit na mag-alas dose. Lalo na yung camote-Q at turon, kasi paborito ko ang turon. Noong nag-aaral ako sa UP, ang tanghalian ko, dalawang turon.

Saan ang ruta niyo ngayon?

SPMB: Sa San Juan, Mandaluyong. Sa Metro Manila lamang tayo ngayon. Ito rin yung mgapagkakataon ng mga meeting kasi may trabaho pa rin naman kami sa Senado.

Ano po ang mensahe niyo sa buong Pilipinas, Mr. Senate President.

SPMBV: Mga kababayan, bukas po ang record ko sa aking mga nagawa nitong mga nagdaang taon, wala akong itinatago, maski sa anumang isyu maging sa corruption, di po tayo na-involve diyan. Sa Mayo, tingnan natin ang kakayanan ng mga mag-iimplement kung kaya nilang gawin ang kanilang mga pangako. Mahalaga sa akin na magkaroon ng malinis na halalan para maipakita natin na buhay ang demokrasyo ng ating bansa. Sana, bigyang pansin ito ng Comelec maliban sa pagbabantay at paghihigpit sa mga campaign materials.

end of interview

News Latest News Feed