Press Release
February 12, 2007

Transcript of Interview with Senate President Manny Villar

Q: How will you run an independent campaign?

SPMBV: Sanay naman tayo na maging independent. Bata pa lang ay independent-minded na ako. Saka maganda ang organization natin, kayang-kaya natin. Extensive ang organization natin sa buong Pilipinas. Sa palagay ko, kayang-kaya ito.

Q: Sasama ba kayo sa campaign sorties ng UNO?

SPMBV: Paminsan-minsan, sasama ako. Maraming sorties nila ang sasamahan ko.

Q: How would it go, youre a guest candidate in one slate and you have the other members of the Wednesday Group in another?

SPMBV: Okey lang naman yun. Wala namang problema yun. Kami naman ay sa ngayon pinu-pursue namin ang aming mga paniniwala at kaya nagtagal ang pagkakaibigan namin dahil ginagalang namin ang paniniwala ng isat isa. Ito ay temporary lamang ito. Yun naman sa amin ay pagkakaibigan naman, walang kinalaman ang pulitika.

Q: May gagawin ba kayong (Wednesday Group) sorties na magkakasama, ganon ba iyon?

SPMBV: Wala pa kaming napapag-usapan na ganoon. Syempre may mga responsibilidad din kami sa aming mga ka-grupo.

Q: Ika-campaign nyo pa rin ba sila senators Recto at Arroyo?

SPMBV: Depende yan, kasi meron nga kaming mga responsibilidad sa aming mga grupo. At palagay ko, pareho kaming magkakaproblema sa mga ganyan. So titingnan na lang namin.

Q: Sa palagay nyo ba malakas ang line-up ng UNO?

SPMBV: Malakas. Maliwanag naman na mas malakas ang grupo na yan. Pero syempre, tingnan muna natin. Magagaling na tao rin naman ang sa kabila at parehong malakas yan. Hahayaan na lang natin ang taumbayan magdesisyon kung sino ang gusto nilang ihalal.

Q: Kasama mo iikot si Senator Kiko?

SPMBV: Alam mo, ngayon ang media ay malakas. Kaya palagay ko, ang mangyayari ngayon ay hindi masyadong grupo-grupo ang pag-ikot. Nung dati kasi ay wala pa masyadong TV at radio, karamihan ng pagkampanya ay personal. Nakikita ko na halos ng mga kandidato ay magkakanya-kanya.

Q: Hindi nyo ba naisip na kapag nasa grupo kayo ng administrasyon, mas malakas ang tsansa ninyo na manalo?

SPMBV: Hindi ko alam. Hindi ko iniisip ang mga bagay na ganyan. Wala naman akong nakikitang ganyan. Maganda naman ang pakikisama natin sa ating mga kasamahan.

Q: Yung hindi pagpapapasok sa inyo sa Tanay nung dumalaw kayo kay Erap, hindi ba tingin nyo Malakanyang ang kagagawan?

SPMBV: Sigurado naman ako.

Q: Sa pagkakahati ng Wednesday Group?

SPMBV: Hindi naman nahahati ang Wednesday Group. Ang aming pagkakaibigan ay labinlimang taon na at hindi mahahati ng pulitika yan. Talaga lamang kinakailangan na ituloy namin ang aming pananaw at prinsipyo sa buhay. Normal lamang sa pulitika yan, pero hindi naapektuhan nyan ang aming pagkakaibigan.

Q: Sabi ni Mayor JV Ejercito, may pressure daw ang administration on you?

SPMBV: Marami talagang pressure, pero prinsipyo ang ating tinutuloy at yun ang ating pangangatawanan sa buong kampanya. Gusto natin palabasin talaga at bigyan ng highlight ang pagiging independent ng Senado at pagtatanggol ng karapatang pantao ng ating mga kababayan.

Q: Ano yun pressure from Malakanyang?

SPMBV: Kagaya nung hindi ako nakadalaw kay dating Pangulong Estrada, yung pagbawi ng imbitasyon sa aking bilang guest speaker sa PMA at marami pang iba. Subalit normal naman yan. Inaasahan naman natin yan kapag nalinya ka sa kabila, talagang maraming ganyan pang matitikman. At iyan ang ating pinaglalaban ngayon, sana bumalik na tayo sa datinormal ang pulitika at lahat ay malayang nakakapagsabi ng prinsipyo sa buhay.

Q: Ano ang magsasabi ninyo sa pagkaka-adopt sa inyo ng UNO bilang kandidato?

SPMBV: Nagpapasalamat ako sa pagkaka-adopt sa akin. Salamat naman sa pagtitiwala.

News Latest News Feed