Press Release
February 5, 2007

Transcript of Interview with Senate President Manny Villar

Q: Ano na status ng candidacy?

SPMBV:. Ang kampanya ay 90 days at matagal na yan sa aming palagay. Di naman natin kailangang pahabain pa yan.. Kaya, uulitin ko na naman yung aking sinasabi na talaga naman na kami, o ako at least, ay gagawa ng final decision sa adjournment. At mag-a-adjourn na tayo sa Huwebes at sa araw na yan ay sisimulan ko ng isipin talaga kung saan lilinya. Hindi naman ako naniniwala na importante ang linyahan ngayon dahil tingin ko naman konti lamang ang mga kakandidato ngayon at di kagaya nung dati na napakarami. Sa ngayon konti lamang, wala pang dalawampu ang seryosong kakandidato. Kaya di kailangan na magmadali ng desisyon sa bagay na yan. Di rin naman kami makaka-kampanya. So, walang point na magmadali

Q: Are you stil keen on (forging) coalition?

SPMBV: Siguro mas maganda na pag ma-decide namin yan ay magkakaroon ng zero-based analysis na mga bagay-bagay. Pero wag iisipin na kami ay may sama ng loob maski kanino. Wala. Ako wala naman. Talaga lamang na gusto ko tapusin na muna yung trabaho sa Senado.

Q: Nakakailan meeting na po kayo with Binay so far?

SPMBV: Hindi ko naman matandaan na. Pero, okey naman, nagkikita naman kami ni Mayor Binay. At hindi lang naman sa kanya, sa iba pang mga kaibigan natin. Kaibigan naman natin si Mayor Binay at wala naman kaming pagkaka-diperensyahan. Marami naman kaming magkaparehong prinsipyo.

Q: Sir, mamaya daw po, most likely pupunta si Mayor Binay dito?

SPMBV: Hindi naman, baka ako na lang ang pumunta sa kanya...Pero gusto ko rin syang makausap naman at sapagkat importante rin naman na kami ay nag-uusap. Wala namang problema doon, pero siguro baka ako na lang ang makikipagkita sa kanya.

Q: Anong pag-uusapan ninyo this time?

SPMBV: Wala namang pag-uusapan kundi pulitika lang.

Q: Last stages na.. yung reservation nyo...?

SPMBV: Malapit na rin naman. Wala ng masama magsimula na mag-usap. Although sinasabi ko na talagang sa Huwebes na lang ang sesyon, Biyernes kami magdedesisyon, at least ako. I can not speak for the other senators, but at least as far as I am concerned, I want to decide after the adjournment.

Q: Reaction nyo sa statement ni John Osmena

SPMBV: Mga kaibigan naman natin lahat yan. At syempre talaga pag nagbibigay ka ng desisyon, baka hindi maunawaan, pero kaibigan naman natin si John at baka makasama din natin yan, so wala naman kaming problema nyan. At maaring kung meron man tayong pagkaka-delay ng desisyon, syempre, humihingi naman tayo ng paumanhin sa ating mga kasamahan.

Q: Di naman kayo nagpapa-importante o nagpapaligaw?

SPMBV: Hindi. Actually hindi naman ako nagpapaligaw noon ko pa sinasabi yan. Pag ako ay tinatanong, sinasagot ko na magde-desisyon naman ako pagkatapos ng adjournment. Then talagang, sa maniwala man o hindi ang ating ibang kaibigan ay gusto ko talagang makagawa ng magandang record dito sa Senado.

Q: Sir, may pressure ba coming from UNO?

SPMBV: May pressure galing sa lahat. Lahat ng mga kaibigan natin, sa UNO, sa lahat, syempre may pressure. Pero, nire-resist ko yang mga temptation na gumawa ng desisyon. Dahil kapag gumawa ako ng desisyon, game na eh. Magsisimula na yung mga caucus, mga meetings at di na matatapos itong ating mga tinatapos sa Senado. Eto ang aking unang taon bilang pangulo ng Senado, at gusto kong magkaroon ng magandang impression.

Q: Sir, may possibility ng third independent party led by Villar?

SPMBV: Andun pa rin yun. Not necessarily led by Villar. Basta meron parating third force, at yun naman ay di mawawala dyan, dahil sa kagaya ng sinabi ko kanina, konti lang naman ang kandidato ngayon. Yun ang maaaring hindi napapansin ng iba. Pero, pag binilang mo ang mga kandidato, konti lang eh. Kaya, kung, baka nga yung dalawang grupo, hindi makabuo ng punong slate.

Q: Thursday o Friday announcement..?

SPMBV: Uunahin ko na agad yung mga taga-Senado.

Q: Yung filing ng candidacy?

SPMBV: Yung sa filing ng candidacy, matagal pa yun. Yung desisyun lang ang mauuna. Yung filing siguro sa last day na.

Q: Yun kondisyon sa UNO?

SPMBV: Eh, wala akong hinihinging kondisyon sa UNO. Yan naman ang masasabi kong diretsahan. In fairness to us, wala akong hinihinging kondisyon sa UNO . Ni hindi nga kami nakikipag-usap sa kanila.

Q: May kondisyon ba yung UNO sa inyo?

SPMBV: Wala naman.

Q: May pressure?

SPMBV: Ang pressure sa dyaryo lang, pero ang totoo nyan, wala naman akong hinihingi sa UNO at wala namang hinihingi sa akin ang UNO, hindi totoo yan. Basta maliwanag naman na wala akong sinasabihan na may kailangan kami sa UNO, at wala din namang hinihingi sa amin ang UNO. To be fair with them and to be fair with us.

Q: Yung 8 senatorials ng UNO

SPMBV: Magagaling lahat ang mga kandidato ng UNO. At yung walo na yun ay napakagagaling na tao.

Q: Mas magaling sa inyo na reelectionista?

SPMBV: Isang malaking karangalan na makasama ang walong iyon, kung yun ang magiging desisyon ko. Dangan nga lamang at wala pa akong desisyon. Subalit, bawat isa sa walo na yun ay talagang karapat-dapat na mahalal sa Senado.

Q: Sir, yung Wednesday Club solid pa rin na hindi maghihiwalay?

SPMBV: Pag-uusapan namin yan, at kaya nga nagtatagal yan, dahil hindi madali sa amin ang maghihiwa-hiwalayang sinasabi ko lang sa adjournment kami magde-decide, sa Huebes.

Q: Me possibility na magkahiwa-hiwalay ang Wednesday group?

SPMBV: Hindi ko alam. Ayaw ko munang sabihin kung ano ang mangyayari.

News Latest News Feed