Press Release
January 30, 2007

Transcript of Interview with Senate President Manny Villar (DZBB)

SPMV: Nacionalista at Liberal. Lima na iyan, si Ralph Recto, ako, si Allan. Sa Liberal, si Noynoy at si Kiko. Meron kaming guest na isa so anim siguro iyan. Nakikipag-usap din kami sa ibang partido at sa takdang panahon, ia-announce namin iyong buong slate. Ito iyong magiging grupo namin na parang kombinasyon, may oposisyon, merong hindi-naman-administrasyon kundi independent.

Ang maa-assure ninyo lang ay strong line up ito?

SPMV: Siguro ito ang pinaka-strong na line up kaya hindi ito third force or second force. Sa aming palagay, ito ang magiging pinakamalakas na line up.

Puro reelectionists daw?

SPMV: Malamang karamihan, halos lahat ay reeleksyonista. Di mo maaalis iyan sapagkat konti lamang kami pero mga reeleksyonista iyan at karamihan dito ay prominently lumalabas sa mga surveys ay likely winners.

Budget ok na?

SPMV: Okay na at magandang balita iyan kasi medyo mataas ang budget natin ngayon at nagsasawa na rin tayo sa reenacted. Hindi talaga maganda iyan sa ating bayan at kailangan talaga ay bumalik na tayo sa merong regular na budget taon-taon.

Naging problema lang doon iyong feeding program?

SPMV: Hindi na iyong puro bigas sapagkat naniniwala kami na mahalaga masiguro na mapakain ang mga bata.

Naging incentive iyon sa mga bata na nabibigyan ng isang kilong bigas para pumasok?

SPMV: Oo, tsaka nadiskubre na kaya mababa ang performance ng ating mga mag-aaral sa Pilipinas at in fact ay nakakaapekto ng IQ iyan ay dahilan sa kulang sa nutrition. Scientific findings talaga iyan, na kulang sa nutrition ang ating mga mag-aaral kaya mababa iyong kanilang performance.

Ibalik na lang iyong nutri-bun?

SPMV: Yes. Alam mo noong bata kami ganyan ang kinakain namin.

So scrap na itong 4.7 B school feeding program?

SPMV: Iyong iba naman ay napunta sa classrooms.

Apart from that, wala na bang naging problema sa pagpasa?

SPMV: Actually mga malililiit na problem pero normal naman iyan. Talagang kaya nga nilagay sa amin iyong budget para may check and balance din sa ating pamahalaan kaya hindi naman nakakagulat na parating merong ganyang differences. Ang mahalaga ay iginalang naman namin iyong kabuuang budget ng Pangulo at hindi naman namin binawasan maski piso, ni-realign lang naman namin ng konti. Ito namang ginawa naming realignment ay pumayag naman din ang kanilang kumite at pumayag naman ang Mababang Kapulungan so okay naman.

May item na ba for the elections this May?

SPMV: Meron na, kumpleto na iyan.

Kasama iyong computerization?

SPMV: Walang pera pero kung gustong gamitin, may flexibility naman ang pangulo sa budget na ganyan. Meron siya talagang karapatan din na magrealign ng mga projects kaya pwede talagang pondohan din iyan kung kinakailangn. Dangan nga lamang at ang tanong sa Comelec ay kung may oras.

Di naman tinaasan iyong pork barrel?

SPMV: Wala din at ang totoo naman, iyan ay hindi na naman nagsusuma ang Senado maski na marami ang hindi nare-release-an sa amin. Pinakiusapan na rin namin na huwag nang gamiting isyu iyon. Iba naman ito, mahalaga pa rin iyong national budget maski siyempre mas gusto pa rin namin na pantay-pantay dapat kung merong projects ang mga mambabatas.

Sino ang nakakuha ng biggest slice of the pie?

SPMV: Ang interest payments bumababa iyan pero pinakamalaki pa rin, P300B pa rin iyan. Ang ating edukasyon naman ay P120 B. Pinakamalaki pa rin ang edukasyon kaya medyo maganda ngayon. Nakakangiti ngayon ang mga cabinet members dahil halos lahat ng departamento ngayon ay may increases. Mas maganda ngayon kasi noong reenacted, controlled na controlled ang spending nila. Ngayon tumaas na nang mahigit isang daang bilyon ito at galing sa VAT kaya medyo nakangiti na ang ibat ibang cabinet members. (end)

News Latest News Feed