Press Release
December 31, 2006

KIKO ON THE TRANSFER OF LANCE CORPORAL DANIEL SMITH

Nakalulungkot ang paglipat ni American soldier Lance Corporal Daniel Smith. Hindi maliwanag kung bakit ang karapatan ng ating mamamayan ang hindi nanguna sa desisyong ito. Nakakapanghinayang na ang Embahada ng Amerika ay hindi tumupad sa desisyon ng ating korte. Nakakapanghinayang na ganito ang naging paraan ng pagimplementa ng VFA. Nararapat na itigil muna ang VFA, tulad ng pagkakatigil ng balikatan exercises. Tinatawagan ko si DFA Sec Alberto Romulo na alamin ang nasa likod ng desisyong ito at itaguyod ang sobernya ng Pilipinas. Di dapat magpaimpluwensya ang hudikatura sa marahil ay maling hakbang ng DILG. Isa tayong bansa tulad nila at may mga batas na ipinapatupad. Walang personalan sa usaping pagtaguyod ng ating soberenya.

News Latest News Feed