Press Release
December 20, 2006

Transcript of Radio interview with Senate President Manny Villar
(RMN-DZXL)

SPMBV: Good Morning sayo at good morning sa ating mga kababayan.

Q: Eto ho, naku! Urong sulong at muling ibinalik ni Pangulong Arroyo iyong isyu po ng Cha-Cha at binabanggit nga na desedido pa rin siya. Hindi pa rin nawawala yung kanyang pagnaais na ipursige yung isyu ng Charter Change.

SPMBV: Well, pwede naman yan after election pwedeng pag-usapan subalit hindi sa paraan na ginagawa ngayon na kung saan ay sapilitan at yung isa lamang ang House at hindi kasama yung Senado. O kaya yung Initiative na kaduda duda naman ang pagkuha ng mga pirma, huwag naman yung ganun. Pero kung talagang gagawin ng maayos, pwede namang pag-usapan yan. Bagamat sa aking palagay ay maliwanag ang mensahe ng ating mga kababayan na ayaw nila ng Charter Change bago mag eleksyon.

Q: Kasi noong nakaraang huwebes ay idineklara na na patay na yung Cha-Cha tapos kahapon buhay pa pala, binuhay ulit itong Cha-Cha. So ibig sabihin nito hindi after elections ang pinag-uusapan nito kasi kung pagakatapos na ng elections ng senators ay automatic yun na hindi na ito babanggitin ng pangulo.

SPMBV: Baka tinapos lang yung rally noong linggo.

Q: Oo

SPMBV: Pagkatapos nun ay binuhay na uli.

Q: Ok, So. . .

SPMBV: Pero hindi maganda yan dahil siyempre magagalit yung ating mga kababayan na naman nyan. Hindi bale, yun naman ay palagay ko opinion lamang ng ilan sa mga miyembro din sa pamilya ng pangulo at mismong pamilya ng pangulo ay nagkakaiba-iba ng opinyon sa bagay na ito.

Q: Pero ito ay binanggit ng pangulo sa isang International gathering yung sa anniversary ng Asian Development Bank. So dito, yung paninindigan po ng Senado ay mananatili at pag-uusapan yan pagkatapos na po ng 2007 elections?

SPMBV: Wala pa naman kaming natatanggap na panukala. Unang-una yung Con-Ass, talagang malabo naman yun at sinabi namin na walang pupunta dyan. Doon naman sa Con-Con ay wala namang binibigay na panukala sa amin ang mababang kapulungan para pag-uusapan namin kaya yun naman, so far ay puro diyaryo lang. Wala naman kaming natatanggap na panukala na galing sa mababang kapulungan about Con-Con.

Q: Pero dito, hihingan na lang rin kita ng reaksiyon habang pinagtatalunan pa rin itong walang kamatayang Cha-Cha, mas marami pa pala ngayong mga pinoy ang nagugutom batay sa survey ng SWS.

SPMBV: Yun ang kailangan talagang lutasin ng ating pamahalaan at dito kasi kailangan na gumawa tayo ng paglaki ng ekonomiya na makakapagbigay ng trabaho. Kasi so far, yung growth ng economy natin ay tinatawag na jobless growth o bagamat tumataas ang ating ekonomiya hindi masyadong dumadami yung employment.

Q: Dito ay may report din na mukhang malabong maipasa itong budget ngayong Disyembre?

SPMBV: Akoy naniniwala naman na sa Enero ay mareresolba yang isyu na yan. Malaki ang budget natin at isa na lamang isyu ang medyo nagkaroon ng di pagkakaunawaan ng dalawang panel. Umaasa pa rin ako na mareresolba yan kasi talagang matibay ang paniniwala ng grupo ng Senado na mas long term ang epekto ng mga classrooms na kailangang-kailangan ng ating mga kabataan.

Q: Ito hong Feeding Program ang naging dahilan para hindi maipasa?

SPMBV: Totoo yan. Palagay ko ang pwedeng gawin dyan ay gawing resonable ang halaga dahil sa eleksiyon ngayon ay nagdududa ang maraming senador na yun ay magagamit lamang sa walang kapararakan at iyon sa tingin nila ay anomalya lamang ang pupuntahan nito kasi medyo malaki ito. Sa tingin ko, kung gagawa ng resonableng amount, kung ano ang magagawa ng programa na yan at magpapaliwanag kung papaano talaga yan madidistribute ng walang halong pulitika. Palagay ko baka maaprubahan yan o magkaroon ng unawaan, subalit sa tingin ko dapat ay resonable. Itong 5 billion ay napakalaking halaga nito at considering na ang gusto ng NFA na sila yung mag iimport. Medyo hindi rin makakatulong ito sa ating mga magsasaka..

Q: Oho, So. . .

SPMBV: Sabi namin kasi kung bibili sana sa mga lokal, ang sabi ng NFA basta sila raw mag iimport.

Q: Oo

SPMBV: Eh pag mag-iimport ng ganyan, normaly ay may nagkakakuwarta diyan.

Q: (Laughing) . . . Sigurado. . . Kapag ganyan at siyempre pinangangambahan na baka magamit sa election at yung parang respeto. . .

SPMBV: Pero sa palagay ko naman ay magkakaroon din sila ng magandang formula diyan, and I hope na maresolve na nila ito sa Enero.

News Latest News Feed