Press Release
December 14, 2006

Transcript of Radio interview with Senate President Manny Villar (DZXL)

Ano po ang masasabi niyo sa pagkakadeklara ni Speaker Jose de Venecia na Con-Ass is dead at nasa archives na? Kumbaga, nasa bodega na.

SPMBV:Mabuti naman at para tayo ay maka-abante na at marami pang trabahong dapat gawin. Sayang kasi dahil medyo maganda ang takbo ng ekonomiya ng ating mga kapitbahay sa Asya, kahit tayo ay hindi naman masama ang kalagayan. Samantalahin na lang natin ang pagkakataon na maitulak natin ang ating ekonomiya at magkaroon ng magandang 2007. Ako ay masaya at sana pagkatapos nito tayo ay mabuo na ulit bilang isang bansa at balik-trabaho na agad.

Pagkatapos po ng prayer rally sa linggo, kalimutan na at mag-focus ulit sa talagang trabaho?

SPMBV: Kami naman kahit may prayer rally sa Linggo ay tuloy-tuloy pa rin ang aming trabaho. In fact, ngayon ay dedesisyunan naming kung mag-e-extend na naman kami ng oras hanggang Huwebes, at kahapon ay nag-caucus ang Senado at aming pinag-usapan ang mga dapat naming habulin bago kami mag-adjourn ng session next week. Gusto naming magkaroon ng isang record number ng mga pinagtibay na panukalang batas.

So dito po sa prayer rally, hindi naman po ito siguro panga-ngantiyaw na talo yung mga pro-chacha at ipahiya pa sila ng husto?

SPMBV: Ito ay expression ng ating mga kababayan na hindi naipakita. Gusto lang siguro ng mga organizers na hindi nagkakamali ng basa (ang mga pro-chacha sa damdamin ng tao), dahil maaaring after that ay baka sabihin na wala naman talagang pupunta sa rally. So gusto lang sigurong ipakita ng taumbayan na mayroon silang ipapakitang galit at iyon ay para patunayan na hindi basta-basta dapat balewalain ang sentimyento ng ating kababayan.

Sabi ba nga ng FITCH rating Senator, ay nagsasabi na ang constitutional change ay potentially destructive?

SPMBV: Sa tingin ko ay talagang maaabala ang ating pagtake-off at nanghihinayang ako dahil baka hindi tayo makasama sa pagtake-off ng mga bansa sa Asya, wala na tayong masasamahan sa paglago at pagsulong kaya dapat ang ekonomiya na lamang natin ang dapat nating harapin sa ngayon.

Si Cong. Antonio Cuenco ay nag-sorry na po sa kanyang mga constituents at aminado siya na nagkamali siya sa pagsuporta sa Con-Ass. Ito din po ba ang dapat gawin ng House para at least matapos na ang isyung ito?

SPMBV:Maganda ang ipinakita ni Cong. Cuenco at sana ay marami pang tumulad ngunit hindi ko naman sasabihin sa ating mga kaibigan sa kamara na mag-sorry din. Iyon naman ay kanilang indibidwal na desisyon at kung ano ang gusto nilang gawin ay igagalang natin. Bagamat, palagay ko ay marami nang gustong gumaya kay Tony Cuenco na umamin ng pagkakamali lalo na sa mga lugar na galit ang mga constituents. Walang masama na umamin sa mga pagkakamali, iyan ay magandang trait at tamang-tama ngayon dahil Kapaskuhan, mas madaling kalimutan iyan kaysa naman ibalik pa ang isyung iyan sa kanila sa eleksyon.

Maihahabol ba ang 2007 budget bago mag-adjourn ang Kongreso?

SPMBV: Iyan ang aming pinag-usapan. In fact nakapag-usap na kami ni Speaker Jose de Venecia nung isang gabi at doon ay ipinakiusap ko na at least, ipakita namin na nagta-trabaho naman kami at nagkasundo din kami na isulong ang rehabilitasyon at muling pagbangon ng Bicol (end).

News Latest News Feed