Press Release
December 13, 2006

Transcript of Interview with Senate President Manny Villar

Q: Sasama ka nga ba talaga sa linggo?

SPMBV: Well, sa akin ay wala naman akong nakikitang malaking bagay doon. Pwedeng sumama ako, pwedeng hindi. Magdadasal lang naman yun on a Sunday, wala namang masama doon. Yun ay kwestyon lamang ng sentimiyento ng ating mga kababayan at wala namang masama dyan sa mga ganyang bagay.

Q: Kaya lang youre the only one plate number 3 in the country thats why . . .

SPMBV: Gagamitin ko yung ibang plate number.

SPMBV: Hindi naman, yun naman sa Sunday ay naimbita tayo at wala namang masama doon. Titingnan ko naman, hindi ko naman masasabing ako ay pupunta, subalit yung mga ganoong ekspresyon ng mga sentimiyento ng ating mga kababayan, walang masama jan. Dapat nga ay iencourage natin yan, basta wala lang namang gulo at tahimik lamang, maganda yan sa ating demokrasya.

Q: Sir dapat sa thanksgiving na lang yan . . .

SPMBV: Maliwanag din naman na masasabi nila, ng ating mga kababayan yun talagang sentimiyento nila. Kasi maaring nawala muna yang ChaCha na yan, pero itoy pagsasabi na hindi pwede talagang balewalain yung ating mga kababayan at hindi natin pwedeng laktawan ang kanilang mga karapatan, at mga iniisip. Dapat parati natin silang icoconsider.

Q: Sir update sa budget

SPMBV: Sa budget siguro, wala akong nakikitang problema at mukha namang ayos na halos lahat at akoy natutuwa naman kung matatapos na yan para for the 1st time magkakaroon tayo ng budget bago matapos ang taon. Mahalaga talaga na may budget sa simula pa lamang ng taon para normal ang takbo natin at humahanga satin ang mga foreign investors at mga creditors natin na maayos ang takbo nang ating pananalapi.

Q: Where you invited by the church or other organizers on Sundays Mass?

SPMBV: Ako naman ay nagdadasal talaga pag linggo, hindi naman ako kailangang imbitahin.

Q. Kung hindi ngayon, kelan kaya pwedeng mag-cha-cha?

SPMBV: Maraming kaparaanan yan, pwedeng eleksiyon kung hindi sila magagalit.

Q:. (on budget)

SPMBV: Wala naman, smooth naman ang takbo. Kasi talagang nakikita ko naman talagang parehong sides gustong magka budget. Matagal na rin naman kasi kung reenacted, pwede mo naming ireenacted yung budget ng once. Pag pangalawang beses, masyadong mahirap na, masyadong magulo na.

Q: Sir ok lang ba yung timing nun kasi election years, so lahat ng congressmen and senators ay talagang siniguradong tama ang reenacted . .

SPMBV: Ni senador naman ay walang nakakasiguro sa kanila e kasi hindi naman narelease ang lahat e. So its not fair to say na dahil lamang dun. Talaga naman ang paniniwala namin ay maski noon pa. Maski na noon pa naman talaga ay pagkabigay sa amin ng budget, pinapasa naming in 2 to 3 weeks eh. Talaga lamang minsan pag di desedido ang house, nadedelay sa bi-cameral .

Q: So next week mara-ratify pa yun?

SPMBV: Di ko alam ang eksaktong date but hahabulin natin na maaprubahan ito bago mag adjourn.

Q: Sir ano po bang mood nyo? Are you going to join the rally?

SPMBV: Di ko alam, pag-aaralan ko pa. Hindi ako sigurado . . . ako, nakikita ko naman na walang masama sa pagdadasal eh. Talaga naman pag Sunday nagdadasal ako. 6 days a week,.

Q: Pwede naming sabihing You will join, youre sure of joining

SPMBV: Wag na

Q: More sure of joining. . . Thinking of joining. . . May join. . .

SPMBV: Thinking o may join.

Q: Sir sabi ni Joker e dead na raw yung ChaCha issue, do you agree?

SPMBV: Comatose. Hindi, hindi naman. . .

Q: Hibernating? . . . Gasping for breath na nga kay Miriam e

SPMBV: Hindi naman, pangit naman kasing sabihin na at hindi maganda sabihin sa ating proponents. Anyway, sa tingin naman natin na sealed na yan so hindi na kailangang komentahan pa natin .

Q: Sir hindi na kayo nag caucus today?

SPMBV: Mag ca-caucus kami ngayon.

Q:Regarding on what? . .

SPMBV: ConCon

Q: Akala ko sir tapos na? Magdrodrop ba kayo ng reso?

SPMBV: Hindi naman. Tsaka kasi hahabulin namin yung for the week, I want to appeal to them na medyo naghahabol tayo. We only have 1 week left practically, except bukas. We have tomorrow and then 1 week, medyo naghahabol kami. I would be appealing to them na pag-usapan namin yung mga ipapasa na bill.

Q: Saan bang mood among the senators, is there a reason to celebrate. . .

SPMBV: We feel good about it. I mean, we are not celebrating like- but we are pleased that somehow parang nagwagi ang kagustuhan ng tao.

News Latest News Feed