Press Release
December 13, 2006

Transcript of Radio interview with Senate President Manny Villar (DZMM)

Paano po ba mag-celebrate ng birthday si Senate President Manny Villar?

SPMBV: Tahimik lang. Kasama ko ang pamilya ko sa araw na ito.

Wala pong sesyon sa araw na ito??

SPMBV: May sesyon kami, pero dadaan lang siguro ako doon at magpapa-alam ako na ang pamilya ko muna ang kasama ko ngayon.

Sa linggo po ba (Dec 17) Mr. Senate President, sasama kayo sa prayer rally?

SPMBV: Maaari.maaari.

Hindi pa po kayo sigurado?

SPMBV: Pupunta ako siguro dyan.

May mga apela po ang mga ka-aalyado ni PGMA sa Kongreso kung bakit babanatan pa yung Con-Ass sa prayer rally na wala na naman yung Con-Ass. Baka daw pwedeng i-postpone yung prayer rally.

SPMBV: Magdadasal lang naman. Dapat kasi iyan sa Friday, na-postpone sa December 17. Hindi naman magiging magulo iyan at hindi rin naman tama na maging magulo iyan. In fact, dapat ay i-express lamang ang sentimyento ng mga mamamayan pero hindi iyan dapat mag-resulta sa kaguluhan o hindi matahimik na pagsasama-sama.

Sa isinusulong ba na concon ng kamara Mr. President, magagawa ba nila iyon ng sila-sila lang o talagang kasama ang senado??

SPMBV: Sa concon, dapat kasama ang Senado. Kaya lang, labing-anim (16) na boto ang kailangan sa Senado. 2/3 votes. Hindi rin madali iyan dahil 2/3 ang kailangan. Yung iba kasing panukala, majority lang na labindalawa ang kailangan, subalit ito ay mangangailangan ng labing-anim na boto. Medyo mas mahirap itong gawin sa parte ng Senado. Bagamat sinabi ko na hindi kami nagmamadali dito, pag-uusapan naming ito at hindi babalewalain. In fact, mayroon na kaming mga hearings sa chacha, pero di kami nagmamadali. Marami din kasi sa amin ang naniniwala na hindi na dapat amyendahan ang konstitusyon. Pero in fairness sa aming mga kasama sa malaking kapulungan, ito ay pag-uusapan din ng Senado. (end)

News Latest News Feed