Press Release
December 11, 2006

Transcript of Interview with Senate President Manny Villar

Magpapaunlak ba kayo sa mga deadline?

SPMV: Hindi naman natin tinatanggap yung 72-hour deadline na iyan at wala namang nakakapagbigay ng deadline sa Senado. In fact, ngayon ay finile ko iyong resolution na pinirmahan ng 22 senador na talagang sinasabi namin doon na hindi kami sumasang-ayon diyan sa Con-Ass na iyan at palagay ko ay walang dadalong mga senador diyan. Ngayon naghe-hearing kami sa Constitutional Convention sa pagbabago ng ating Konstitusyon. Tuloy naman ang hearing at ginagawa namin iyong trabaho namin at dito kasi sa amin mahalaga kung ano ang nararamdaman ng ating mga kababayan. Hindi naman ito pwedeng mag-uusap lamang ang dalawang chamber at hindi natin titingnan yung sentimyento ng ating mga kababayan. Sa Senado napakahalaga niyan, kaya kailangan munang marinig iyan bago kami makagawa ng desisyon dito sa pagbabago ng ating Saligang Batas.

(Inaudible)

SPMV: Wala namang makakapagbigay ng deadline sa Senado o sa anumang kumite ng Senado at hindi naman namin tinatanggap iyong mga deadline-deadline na iyon. Ang mga hearings sa pagbabago ng ating Konstitusyon ay gagawin namin iyan sa aming paraan at sa aming oras. Gusto naming makumpleto iyong mga maririnig namin at mahalaga dito ay kung ano talaga ang gustong sabihin ng ating mga kababayan.

How do you describe the act of giving you ultimatum?

SPMV: Baka mainit lamang ang ulo ni Speaker De Venecia at alam naman niya na hindi naman pupwede sa Senado iyong mga deadline-deadline na ganoon. Dapat hindi na lamang iyon sinabi sapagkat hindi magandang tingnan.

Do you consider it as political suicide?

SPMV: Alin?

Yung mga statements ng House?

SPMV: Ayokong maghusga ng ganyan sa Malaking Kapulungan sapagkat mainit na nga ang kanilang ulo. Ang Senado naman ay di nakikipag-away dito, ginagawa lang namin ang aming tungkulin at sinunusunod namin ang Saligang Batas. Sa aming palagay ay kami ay nasa tama at iyon ay aming itutuloy. Wala kaming balak makipag-away kaninuman, hindi sa mga miyembro ng Malaking Kapulungan, hindi sa miyembro ng Malakanyang at kung saan mang sektor, basta ginagawa lang namin ang aming trabaho.

Si Sen. Recto contends that their ConCon will require funding, which means it should be originate from the House. Do you agree with that?

SPMV: Maaring isang problema din iyan subalit bago pa dumako diyan sa kung popondohan ba o hindi, iyan ay talagang kailangang resolbahin muna iyong major issue na kung dapat gawin iyan o hindi. Kasi naman iyan kung talagang may paraan ay magagawan din ng paraan. Pero nakikita ko dito sa budget, wala namang nakalagay dito na pondo para sa isang referendum.

So kahit na after that 72-hours, wala kayong pakialam if they proceed with the con-ass or not, kasi yun ang ultimatum nila?

SPMV: Ang tingin kasi namin sa ConAss ay ilegal talaga iyon, gaya nga ng nakalagay sa aming resolusyon na pinirmahan ng 22 mga senador, ay iyon ang tingin namin ay ilegal at hindi iyon sang-ayon sa ating Saligang Batas at hindi namin iginagalang yan at ang mga senador ay hindi pupunta diyan. Iyan ay sayang lamang ang pagod ng mga kababayan natin diyan.

Iyon bang con-con mas katanggap-tanggap?

SPMV: Sa akin kasi, kung con-con o con-ass, ang mahalaga diyan kasi ay tatanungin muna natin iyong tao kasi maaring nagbago ng pag-iisip ang ating mga kababayan. Maaring iyong tinatanong natin, iyon kanilang naisip 1 year ago ay hindi na nila naiisip ngayon. Baka iba na ang kanilang nasa isipan ngayon dahil itong nakakaraang mga panahon, nakita natin talaga yung outrage o iyong galit, kaya gusto namin uling makita o mabasa iyong pulso ng ating mga kababayan.

May galit. . . (inaudible)

SPMV: Iyong galit dito sa pagpipilit nitong con-ass, maliwanag naman iyong mga senyales sa ibat-ibang sektor na talagang nagagalit iyong mga tao dito.

Regardless whether the House proceeds with the con-ass, magre-recess kayo next week, di ba hanggang next week na lang kayo?

SPMV: Basta kami tuloy ang aming schedule, meron kaming mga trabaho at itoy hindi namin gagalawin para kaninuman nakikita namin na ang ConAss ay isang bagay na illegal. Kami tuloy ang aming trabaho dito, meron kaming mga panukalang gustong ihabol bago kami mag adjourn na para sa kapaskuhan, yan ay itutuloy namin at gusto. . .

Di ba hanggang Wednesday na lang kayo?

SPMV: Basta kami tuloy ang aming schedule, meron kaming mga trabaho at ito ay hindi namin gagalawin para kaninuman. Nakikita namin na ang con-ass ay isang bagay na illegal. Kami tuloy lang ang aming trabaho dito. Meron kaming mga panukala na gustong ihabol bago kami mag-adjourn na para sa kapaskuhan, iyan ay itutuloy namin at gusto naming maganda ang maireport ng Senado sa taong ito

Are you saying that con-con proposal sa House is not your priority?

SPMV: Definitely, hindi namin priority iyan.

May ultimatum din ba kayo sa Kamara?

SPMV: Hindi naman kami nagbibigay ng mga ultimatum. Iyan naman ay ginagawa lamang ng mainit ang ulo.

As of today meron po ba kayong information kung meron na silang 195?

SPMV: Kung hindi susuportahan ng Pangulo, there is no way na makuha iyong 195. Kaya iyong mg senyales na ang Presidente ay nagwi-withdraw ng support dito o hindi na masyadosng itinutulak ito ay nangangahulugan na wala ng pag-asa na marating iyong 195 na iyan. Maski nga total ang support ng Pangulo ay mahihirapan pa rin makuha iyang 195, di lalo na kung wala.

Iyon iyong reason bakit naisip nila iyong con-con?

SPMV: Maaari. Ayoko naman ispekulahin iyang bagay na iyan. Maaaring isang kadahilanan iyan subalit hindi ako sigurado roon. Baka naman din nakita nila iyong galit ng ating mga kababayan.

Iyong dialogue, open ba kayo if ever?

SPMV: Kami naman ever since ay open sa mga dialogue. Wala naman kaming kinakatakutan diyan whether dialogue with the President or dialogue with the Speaker, dialogue with any other agency of the government. Ang gusto lamang naming dialogue iyong talagang pwedeng pag-usapan lahat, walang given, walang pwera ito, at saka walang deadline. Kung mga ganon, okay lang naman iyon, mag-uusap lang naman pero walang deadline at saka wala iyong mga premise na pag-uusapan lang natin halimbawa kung con-ass or con-con. Sapagakat meron din namang grupo ng ating mga mamamayan na gustong magcon-con, halimbawa after elections. Meron ding mga kababayan tayo na ayaw na magbago ng Constitution at mismong administrasyon na nagsasabi na maganda ang takbo ng ating ekonomiya. Kung maganda pala ang takbo ng ekonomiya natin, bakit babaguhin pa ang Konstitusyon? Iyan iyong mga bagay-bagay na dapat pag-usapan. Kami ay nahahanda na makipag-usap subalit iyong walang saradong issue na ang pag-uusapan lang natin con-ass or con-con. Dapat lahat ay pwedeng pag-usapan.

On budget?

SPMV: Akoy sanay tuwang-tuwa ng aprubahin namin iyong budget dahil ika ko for the first time, magkakaroon ng budget ang aming bayan bago matapos ang taon para January 1 palang bago na ang budget. Maganda kasi iyan sa ating bansa at tuwang-tuwa na ako. Except ngayon, nabalitaan ko na hindi pa raw pino-from iyong bicameral committee ng Malaking Kapulungan so nagwo-worry ako ng House kasi that means na baka wala na silang balak ang matapos iyong budget bago matapos ang taon. Sayang naman, maganda na sana iyong timing natin, saying kung itoy aabuting pa ng darataing na buwan o sa next year pa.

Wala kayong schedule ng bicam?

SPMV: Sa pagkakaalam ko, wala pa dahilan sa hindi pa yata buo ang panel ng Malaking Kapulungan.

Hindi pa nagpapahiwatig?

SPMV: Sa palagay ko naman ay busy lamang sa cha-cha at hidi nabibigyan ng pansin iyong mahahalagang panukala.

Would that require presidential intervention?

SPMV: Kami naman hindi naman kailangang impluwensyahin pa dahil gusto talaga naming magkabudget bago matapos ang taon.

Malacañang allies in the House?

SPMV: Hindi naman aamin ang Malaking Kapulungan na sila ay sumusunod ng ganoon sa Pangulo bagamat mukhang ganoon na nga.

The President should advise them to receive the budget

SPMV: Dapat naman pakiusapan ng Pangulo ang Malaking Kapulungan na tapusin na ang budget.

Ilang araw since the Senate approved it?

SPMV: Meron nang isang linggo mahigit. At saka mahalaga ngayon, dalawang linggo na lang ang nalalabi bago mag-adjourn.

Second week na ito hindi pa nagpo-form iyong House?

SPMV: Kaya nakakaworry nga kasi bukas magko-convene pa ng constituent assembly.

Sa Senate, sino na iyong mga members?

SPMV: Hindi ko alam ang mga miyembro na na-nominate.

Pero tapos na sa floor?

SPMV: Oo, tapos na iyan.

Ten days na lang before you adjourn?

SPMV: Actually six session days na lang. Magkikita pa kami sa Huwebes baka eight session days.

There is still time to convene the bicam and pass..?

SPMV: May oras pa. Kaya nga lamang siyempre bawat oras na lumilipas ay humihina iyong probabilidad na maaprubahan pa iyan. Pero sana maaprubahan pa at malaking bagay na meron tayong budget bago magsimula ang 2007.

Ini-expect ninyo ba na mae-enlighten si JDV sa mga sinabi ng mga resource persons ninyo?

SPMV: Sana ay nakikinig ang mga proponents ng cha-cha at pakinggan iyong ating mga kinikilalang mga eksperto sa ating Saligang Batas. Maganda naman iyon para maging malawak ang ating kaalaman at pang-unawa.

Sa resolusyon

SPMV: Ito iyong ating resolusyon na pinirmahan ng 22 senador.

Paano si Miriam?

SPMV: Hindi naman tayo pwedeng magkomento sa mga di pumirma. Pero ang masasabi ko lang, nagpapakita ito na buung-buo ang Senado. Buung-buo kami sa aming paniniwala na illegal iyong magiging constituent assembly na iyan. (end)

News Latest News Feed