Press Release
December 7, 2006

Transcript of Interview with Senate President Manny Villar

Ano po ang reaksyon ng Senado na naaprubahan na ang resolusyon na magko-convene ng con-ass?

SPMV: Kami naman ay naghahanda na rin at kahapon nga, halos hindi na kami nag-session at nag-caucus na lamang kami para i-map out iyong aming strategy. So far, iyong ginagawa naman ng Malaking Kapulungan ay inaasahan namin at madali lang gawin iyan dahilan sa iyan ay nangangailangan lamang ng majority votes sa rules ng House. Hindi pa kami pwedeng dumulog sa Supreme Court dahil ang ginagawa pa lang ng Malaking Kapulungan ay internal sa kanila. Magsisimula lang ang hurdle ng Malaking Kapulungan kung makukuha nila iyong 195 na boto na hindi madali, dahil ito ay nangangailangan na ng mismong pagboto o iyong tinatawag na warm bodies. Bilang isang dating speaker, talagang mahirap kunin iyan. Number two, iyong Supreme Court na naniniwala pa rin ako na magiging independent at so far naman, ang handling namin ng mga legal cases sa Senado ay maganda. Out of five cases na dinulog namin sa Supreme Court, hindi pa kami natatalo. Pangatlo, nagpasa kami ng resolusyon na inuulit namin na hindi kami pumapayag dito sa ginagawa ng Malaking Kapulungan at kami ay naniniwala na ang ating gobyerno ay bicameral--iyan naman talaga ang sistema ng ating gobyerno at hindi naman pwedeng basta-basta na lang palitan iyan ng isang chamber lamang. Finally, kung kinakailangang umabot kami doon sa referendum ay aabot kami sa referendum sapagkat talagang nakikita namin na ito ay hindi popular sa tao at huwag lamang dadayain, ay mahirap talagang maaprubahan ng tao sa referendum itong con-ass.

Dito po ang Senado ay anti at ayaw magconvene ang Kamara into a constituent assembly at kukuwestiyunin ang Supreme Court?

SPMV: Kasi ayaw namin ma-dismiss dahil premature iyong hakbang. Pwedeng ma-dismiss ang petisyon mo sa kadahilanang premature ito at wala pang dapat desisyunan ang Supreme Court. Baka magkamali kami. Kaya araw-araw din ay nagdi-discuss iyong aming mga eksperto--meron kaming mga miyembro talaga na masasabi nating mga eksperto sa batas, at sila iyong nagdedesisyon sa tamang timing sa pagdulog sa Supreme Court.

Sa panig ng oposisyon sa House, bago mag-Martes, magpa-file sila ng TRO para sa con-ass

SPMV: Oo, maraming magpa-file niyan, dangan lamang siyempre iba ang Senado dahil bilang isang mataas ng institusyon din, siyempre iba pa rin ang weight sa Supreme Court.

May bago nang Chief Justice, si Puno na sinasabing pro-cha-cha?

SPMV: Ako naman, wala akong masasabi sa kakayahan ni Justice Rey Puno at talaga namang kung susundin natin iyong seniority sa Supreme Court, talagang siya ang naka-linya na papalit bilang Chief Justice. Sa ngayon naman, hindi fair na sabihin natin na political ang magiging basis ng ating Supreme Court sa pagtingin sa kaso na ito. Naniniwala pa rin ako na ang Supreme Court ay titingnan ng sariwang pagtingin itong issue na ito: iba sa initiative, iba dito sa con-ass. Naniniwala pa rin ako sa independence ng ating Supreme Court.

Dapat dalhin na sa kalsada ang laban sa con-ass, ano pong pananaw ninyo dito?

SPMV: Sa Lunes, pinare-revive na namin iyong imbestigasyon o hearings ng aming Committee on Constitutional Amendments at dito sinabi namin na gawin na sa plenary hall ng Senado, kung kinakailangang everyday at 10 oclock ng umaga para magkaroon ng pagkakataon iyong mga nag-o-oppose sa chacha na mag-express ng kanilang mga sentimyento, gagawin na namin ito ngayong Lunes para magkaroon din naman ng isang avenue iyong mga na-o-oppose at hindi sa ngayon na naririnig lang ng tao at napapanood iyong mga para sa cha-cha.

Iyong mga Senador na kaalyado ng adminstrasyon tuald ni Lapid, mukhang kontra con-ass din? Si Sen. Revilla po ba nagsabi na rin na kontra con-ass siya?

SPMV: Alam mo inisip ko na alam na nila iyan at masasabi ko naman na so far ngayon ang mga senador ay halos buo dito.

Solid?

SPMV: Huwag naman nating sabihing solid na talagang 23.

Mayorya?

SPMV: Hindi lang mayorya kundi siguro kung may mawala man, isa, dalawa, tatlo lang.

Ano pa ang susunod na hakbang dito?

SPMV: Kami, step by step. Titingnan muna namin ngayon. Sa Lunes, tuloy na ulit ang hearings sa cha-cha at iyong resolution na aming ipa-file para masabi na namin nang diretso sa Malaking Kapulungan na ito iyong aming posisyon. Number three, iyong aming mga legal staff ay preparado na sa ipa-file nila, tina-time-ingan na lang. (end)

News Latest News Feed