Press Release
November 27, 2006

Transcript of Interview with Senate President Manny Villar

On GMAs health

SPMV: Iyong sa Pangulo naman ay maliwanag na nagsalita ang doktor na wala naman sa ngayong dahilan para pagdudahan natin iyon. Pero siyempre maganda rin na iremind natin na ang mga doctor na mahalaga na nalalaman ng bansa ang tunay na kalagayan ng Pangulo, ang kalagayan ng kanyang kalusugan. Siyempre lahat ng tao ay gustong malaman iyon. Sa ngayon, wala naman akong nakikitang kadahilanan para pagdudahan nating iyong mga pronouncements ng kanyang doktor. I think at this point we have to give the President the benefit of the doubt.

On JDVs proposal

SPMV: Alam mo sa diyaryo ko lang naman nababasa iyong mga offer na iyan at iyan ay mga proposals na hindi mo naman malaman kung ite-take mo seriously. Ang nalalaman kasi namin, talagang meron namang paraan para pag-usapan iyan at may tamang panahon. Sa ngayon, medyo gahol na kasi ang oras. Malapit na ang eleksyon at kung bibigyan natin ng pagkakataon ang mga proposals na pag-usapang mabuti, di na rin aabot. Ito namang mga bagay na ito ay pwedeng pag-usapan pagkatapos ng eleksyon. Siyempre naman hindi ako makakapagsalita in behalf of the other senators. Ito ay isang bagay na may kanya-kanyang opinion ang mga senador at di ko alam kung ano ang tingin nila sa proposal ni Speaker de Venecia. Subalit sa akin, bilang Pangulo ng dibisyon ay maliwanag pa rin ang posisyon ng Senado dito.

Is there room for dialogue?

SPMV: Ang dialogue naman parati namang pwede iyan. Pwde iyang dialogue with anybody, with the Chief of the Armed Forces of the Philippines, with the judiciary, with the President, with the House of Representatives, with any institution or organization. Ang Senado naman ay nahahandang makipag-usap. Hindi naman natatakot ang Senado na makipag-usap kaninuman. Sinasabi lang namin beforehand ang aming posisyon para nalalaman din ng mga kausap namin kung masasayang lang ang kanilang oras o hindi.

Gahol sa oras?

SPMV: Medyo tight. Kung pag-uusap lang naman, wala namang masama kaya lang nililiwanag namin where we are coming from. It is going to be difficult kung ang resulta nito ay mangyayari before elections.

Sen. Santiago (inaudible)

SPMV: Titingnan muna natin kasi medyo masikip ang calendar natin ngayon. Di pa natin alam kung makakaya nating ipasa iyong budget at the end of the week. Although confident naman kami na makakaya pa, pagkatapos ng budget, tatlong linggo na lang ang nalalabi at talagang masikip na ang oras baka tayo ay mahirapan. Pero titingnan pa rin natin at kukonsultahin ko iyong aking mga ksamahan diyan. Mahalaga iyong JPEPA, talagang dapat marinig natin ang magkabilang panig subalit maraming mga senador kasi ngayon ang may kanya-kanyang mga panukala na itinutulak at baka gusto rin nilang maaprubahan iyon bago mag-Pasko. (end)

News Latest News Feed