Press Release
November 22, 2006

Transcript of radio interview with Senate President Manny Villar

Q: Congratulations sa inyong bagong liderato, nakabawi nang husto ang Senado. Anong mga partikular na mga bagay na naiiangat po ng performance nyo sa Senado?

SPMBV: Alam mo, yun naman ang lahat na hinahangad ng elected officials e. Pero siguro, yung mabilis ngayon ang takbo sa Senado dahilan sa lately ay marami kaming na-aprub na mga panukala at yun naman ay sa pagsisikap ng lahat ng mga senador at ang programa namin ngayon ay makatulong ng malaki sa pagpapaunlad ng bansa kaya andami naming nakalinyang mga bills ngayon bukod sa dami ng aming naipasa. Nitong nakaraang tatlo, apat na buwan magmula nang tayoy naging pangulo, ay napakarami nang mga panukalang naipasa at ngayon eh paspas kami sa mga natitira pa, at palagay ko bago matapos ang taon ay magkakaroon kami ng record number ng mga pinasa na bills.

Q: Dun sa mga naipasa po ninyo, give us at least 5 na mahalagang bills?

SPMBV: Yung pagbabayad ng compensation sa ating mga human rights victims, mga 8billion, yan ung nasa law. Dito sa ating pagtugon sa pangangailangan ng mga mangangalakal, dun sa 70% cap na tinanggal natin na hinahangad ng lahat na businessman ngayon. Dito sa election automation, na bagay experiment tayo sa 2007, kung maganda ay itutuloy natin hanggang 2010. Dito sa ating bio-fuel bill na magbibigay insentibo dito sa mga magi-invest dito sa pananim na ito na pwedeng gawing gasolina para mabawasan ang ating dependents dito sa importasyaon ng langis. At of course ang Supplemental Budget na ipinasa natin, yung 500million na pondo para sa mga Lebanon workers na gustong umuwi rito, ay ipinasa rin natin yan

Q: Yung anti-terrorism bill?

SPMBV: Malapit na rin iyan, anim na yugto kasi ang pagpasa, nasa pang lima na yan at inaasahan natin na mapapasa yan bago ang kapaskuhan. At meron pa ring mga iba yung sa billboard na magre-regulate ng pagtatayo at pagkakabit ng billboard , mabilis ang ating pagrespond dyan pagkatapos ng Milenyo ay ipinasa na agad natin yan.

Q: Papano nyo ginagawang motivations sa inyong mga kapwang mga senador? Yung iba jan ay gustong mag-iimbestiga na lamang dito sa mga nangyayaring nakawan sa ibat-ibang panig ng pamahalaan.

SPMBV: Ay hindi naman namin pinipigil yun. Lately naghahabol lahat dahil sa pinakiusapan naman natin. Nagusap- usap kami na maganda na makapagtapos kami ng maraming magandang performance at maraming panukalang naipasa kaya halos lahat ng komite ngayon ay mabilis ang takbo at halos lahat ng komite ngayon ay naglalabas ng mga bills na nakapending at tuloy ang dating. Pati nga ang yung National Budget natin for 2007 ay baka matapos namin next week, yan ay magiging record ng Senado, na bago matapos ang taon ay mapapasa ung budget.

Q: Oho, kasi 2 weeks ago ay naipasa na ito sa kongreso, unlike nung nakaraang taon ay almost January na di pa nila naipapasa dun, at hindi pa rin naipapasa sa Senado.

SPMBV: Kami sa Senado naman pag budget mabilis parati at ngayon nga ay napagkaisahan namin na itong linggong ito tsaka next week ay puro budget lamang, at next week, hopefully, ay tapos na kami dyan at magkakaroon kami ng oras pa para sa Bi-Cameral Conference dahil ang hangarin namin ay bumalik tayo sa normal na ang budget ay tinatapos bago matapos ang taon.

Q: Oho, ang inyong performance rating is almost 60%, sumusunod si kabayan, followed by chief justice Panganiban ng SC, speaker Joe . . . , itong panlimang nakakalungkot na 25% lamang ang pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Ano ang inyong palagay at bakit nagkakaganoon yun Mr. Senate President?

SPMBV: Well, maraming nag-iisyu sa pangulo noong nakaraang panahon pero yun naman ay dapat maging challenge sa sinuman. Kung mababa ang trust rating, yun ay dapat tingnan na isang opportunity o challenge para maitaas yan at sa tingin ko ang ekonomiya ang isang magandang lugar para yan ay mabawi at maitaas ang pagtitiwala ng ating mamamayan.

Q: Sa inyo bang palagay at pag-aaral, tumataas nga ba at gumaganda ang ekonomiya ng Pilipinas, eh hindi pa rin naman daw ito nararamdaman nung mga marami pa ring mahihirap nating mga kababayan sa sanay na nilang sikmura at tiyan.

SPMBV: Nayon pa kasi lamang eh, at totoo naman yan na matagal -tagal na pag-unlad ng ekonomiya ang kailangan natin bago matikman yan ng ating mga kababayan. At ngayon nga medyo may konting adjustment na dapat gawin sa ekonomiya dahilan sa dapat medyo itulak natin yung sektor na magbibigay ng employment, pero ang ekonomiya naman to be fair with the president ay medyo maganda naman ang takbo ngayon at yung mga senyales na nakikita even ng mga foreign creditors at bankers ay maganda kayat tinataas nila ang ating credit rating.

News Latest News Feed