Press Release
November 21, 2006

Transcript of Interview with Senate President Manny Villar

On the Pulse Asia survey

SPMV: Actually hindi naman namin tinitingnan talaga iyong mga survey pero siyempre ginagawa naman namin iyong inaakala naming dapat naming gawin bilang, in my case, Senate President. Nakakatuwa naman na mataas pala ang ating trust rating, mataas ang pagtitiwala sa atin ng ating mga kababayan. Mahalaga kasi na maibalik natin ang pagtitiwala ng bayan sa Senado lalung-lalo na ngayong may mga tangka na alisin ang Senado.

Ibig sabihin pwedeng-pwede na talagang tumakbo independently kayo?

SPMV: Iba naman iyon. Maski naman mababa o mataas ang rating, iyon naman ang ating balak, ang Nacionalista Party ay tumakbo ng independent or sumama sa iba. Iyon ay isang bagay na pagpapasyahan namin sa takdang panahon.

What are your thoughts about the Supreme Court decision junking the peoples initiative with finality?

SPMV: Mabuti na iyong simplified na kasi alam mo na mahirap pa iyong mayroong mga alinlangan kung ano ang magiging kahihinatnan niyang initiatives. At least ngayon, maliwanag na, ang Supreme Court nagdesisyon na with finality at panatag na ang kalooban ng lahat na tapos na iyan. Iyong mga iba naman na gusto pang ituloy, at least alam nila na ibang option naman ang dapat nilang ipursue at iyong bayan naman ay mananahimik na.

Would you also recommend na after the 2007 elections na lang ipursue?

SPMV: Marami sa amin dito at ako mismo ay naniniwala na dapat pag-usapan ang cha-cha after elections. Sa tamang panahon at sa tamang paraan, pwedeng pag-usapan ang cha-cha.

Clarification on the survey result

SPMV: .the Senate as an institution kaya lang siyempre hindi masyado pero okay naman. In fact, iyan talaga ang ambisyon natin na tumaas ang trust rating ng Senado at iyon ang ginagawa natin sa pamamagitan ng mabilis na pagpasa ng mga panukala. Sa ngayon sa palagay ko wala nang makakapagsabi na mabagal ang Senado. (end)

News Latest News Feed