Press Release
November 8, 2006

Transcript of Interview with Senate President Manny Villar

SPMV: Nais ko lamang ipaliwanag iyong nasa diyaryo kanina na akoy sumusoporta na sa con-ass. Wala akong natatandaan na sinabing ganun sa LEDAC at ang totoo niyan ang pinag-usapan lang sa LEDAC ay iyong panukala ni Senator Enrile na kanyang ipinaliwanag ang con-ass na voting separately, na hindi pa tinatanggap ng House of Representatives. Pangalawa, nabanggit din ni Senator Enrile na mas gusto niyang pag-usapan iyon next year na o pagkatapos na ng election. Ang aking kinomentahan lang para matigil na iyong, siyempre ayaw naman nating magalit ang House of Representatives, sinabi lang natin na kaya medyo nahihirapan silang mag-market ng kanilang proposal dahil napakagulo at napakaraming mga kontrobersyal na provisions na inilalagay. Kaya iyon siguro ang nagbigay ng di pagkakaunawaan. Subalit nililiwanag ko na hindi nagbabago ang ating posisyon na kung pag-uusapan iyang con-ass, pagkatapos na ng eleksyon at sa tamang proseso na susundin ang Konstitusyon. Hindi tayo nagmamadali diyan, kung kinakailangang abutin ng ilang taon iyan, okay lamang, sa sistema ng Senado at House ay voting separately. Iyan ay pag-uusapan pa at hindi pa rin sinasabi na kung ganyan ang proposal, tayo ay boboto diyan. Kaya dineny ko na meron akong sinabing ganon kahapon at nakakalungkot na nagkaroon ng ganyang misinterpretartion.

Si Secretary.

SPMV: I think sinabi naman ni Secretary Claudio exactly what happened. Nagbigay ako ng advice dun sa mga congressmen at doon naman sa minutes ng LEDAC, maliwanag naman na wala akong sinasabing ganun.

They lied?

SPMV: Mali ang sinabi nila. Rumor mongering.

Why is it that

SPMV: Normal iyon. Siyempre, normal iyan na pag nagpopropose ng isang bagay, mas excited sila pag dumadami ang mga sumasama. Baka iyon ang naging kadahilanan. Gusto ko ring maunawaan kay Sec. Defensor, gusto ko siyang makausap din, sa mga darating na araw para maipaliwang sa kanya at matanong kung ano ang naging basis niya pag sabi niyon. SPMV: Tatanong ko sa kanya kung ano ba ang naging basis noon kasi wala akong nalalaman na sinabi kong ganun.

Deadline ng Malacañang sa

SPMV: Actually sinabi ng Presidente na sinusuportahan niya ang constitutional change kamukha ng dati niyang sinasabi. Wala namang pagbabago doon sa kanyang deklarasyon na siya ay sumusuporta sa charter change. Pagkatapos nun, umalis na siya so hindi ko malaman kung seryoso siya.

Wala na po bang

SPMV: Sa aking palagay, mahihirapan dahil sa Nobyembre na halos middle of November na at lahat ng tao ngayon ay pumuporma na sa kampanya. In fact, bagamat mayron pang nag-uusap tungkol sa chacha, karamihan ng tao ngayon pinag-uusapan na iyong mga ibat ibang mga senatorial slates at sa mga distrito ngayon na nagpopormahan na, iyong mga ibat ibang congressmen, mga governors, mga mayors. Palagay ko in the next few weeks magiging irreversible na itong mga nangyayaring ito at talagang lahat ng atensyon ay nandun na sa eleksyon.

SPMV: Ang sa akin ang Nacionalista Party ay isang independent na party at nakikipag-usap kami sa lahat ng mga partido kasama na ang oposisyon at kasama na ang Partido ng Masang Pilipino at kasama ang Liberal Party. Ang administrasyon naman ay hindi pa nagpoform ng kanila. Sa amin ang Nacionalista Party ay magdedesisyon kung ano ang maganda sa aming partido at kung ano ang makakabuti sa amin at inaakala naming makakabuti sa bayan.

Nacionalista, Liberal and

SPMV: No. Im saying that the Nacionalista Party is open to an alliance with anybody, be it the Liberal Party, be it the PMP, be it the Aksyon Demokratiko. Inaamin naman natin na in the past few weeks ay nakikipag-usap kami sa mga iyan sapagkat mahalaga rin na bilang pangulo ng Nacionalista Party ay masiguro ko na ang partido ay nasa mabuting kalagayan.

SPMV: Ang sabi ko ang administrasyon ay wala pang partido sapagkat busy pa sila sa chacha. Iyan ang problema, itong administrasyon ay mahilig sa chacha mukhang boogie naman iyong kabila. Kung hindi ka naniniwala na magkakaroon ng chacha, dapat isipin mo din iyon na baka maiwan ka. Subalit ang mahalaga diyan iyong sa partido ng Nacionalista. Iyon nga ang aking sinasabi na maraming kandidato ang Nacionalista Party at kami ay malaya na makipag-alliance kaninuman na sa aming palagay ay makakatulong sa aming partido at makakatulong sa ating bansa.

Kailan kayo magdedecide?

SPMV: Siguro mga Disyembre. Definitely magdedecide kami bago magfile ng candidacy.

SPMV: Sa aking palagay, wala pa naman sinasabi ang administrasyon na grupo nila. In fact, lahat ng mga high ranking members ng Lakas at ng Kampi at ng mga administration parties are all talking about chacha.

Deadline?

SPMV: Hindi naman. Meron naman talagang deadline iyon which is the filing of candidacy.

Iyong Senate, votes na lang makukuha na ng mga democrats at iyong House, nakuha na ng mga democratsanong nangyayari sa Presidente?

SPMV: Mature na mature naman ang Amerika sa politika at wala rin namang mangyayari diyan. Kaya lamang iyan ay expression talaga iyan ng sentimyento ng mga mamamayang Amerikano na nagkamali si Presidente Bush at gusto nilang ipahayag, gusto nilang ipaalam sa mga republicans na hindi nila nagugustuhan iyong nangyari sa Iraq. Hindi nila nagugustuhan itong war on terrorism at iyong mga programa ni Presidente Bush ay hindi nila nagugustuhan. Iyan ay maliwanag na deklarasyon ng kanilang dissatisfaction kay Pres. Bush. Sa sistema ng gobyerno, wala namang problema iyan pero siyempre mas mahihirapan na ng Pres. Bush ngayon sa pagpapatupad ng kanyang mga programa.

Sa Pilipinas kailan iyon mangyayari?

SPMV: Weather-weather lang iyan.

News Latest News Feed