Press Release
October 15, 2006

Transcript of Senate President Manny Villar's radio interview (DZBB)

Kumusta ang accomplishment ng Senado?

SPMV: Maganda ang ating harvest natin ngayon, ika nga sapagkat labing-anim tayo na panukala at walo riyan ang national bills. Iyan ay medyo madami considering na halos dalawang buwan lamang tayo at kumpara mo sa dating ilang taon na ang nakakalipas ay medyo mabilis iyan. Kasama na riyan iyong automation. Alam mo kailangang-kailangan na tayong mag-automation dahil sa masyadong backward iyon ating counting, inaabot ng ilang buwan. Tapos iyong biofuel, ito naman ay maglalayong bigyan ng insentibo iyong mga gustong maglagay ng pera sa biofuel para magagamit ito na gasolina. Iyong mga halaman na itatanim ng ating mga magsasaka ay magagamit paggawa ng gasolina. Maraming naguguglat dito; hindi nila alam na ang mga halaman pala kagaya ng sugarcane o tubo ay pwedeng gawing gasolina. Pero iyon ay development technology na iyan. Sa Brazil nga, lahat halos ng kotse roon ay tumatakbo na ng mayrong ethanol na galing dito. Pangatlo, naaprubahan din natin iyong improvement ng VAT. Alam mo iyong VAT, merong pagkakamali iyan nang nagkaroon ng limit na 70 percent ang VAT noon na lahat halos ng negosyante tinamaan. Konti lamang ang epekto sa koleksyon ng gobyerno pero medyo maraming nasaktan na mga kumpanyang maliliit ang tubo. Kaya ang laking tuwa nila niyan nang maaprubahan iyong panukala na iyon. Kasama na rin niyan iyong supplemental budget natin na isinaayos para sa reenaceted budget ng 2005. Kasama na rin iyong P500 M pondo para sa mga Middle East workers natin na uuwi dito kung magkakaroon ng gulo doon. Kasama na rin iyong sa Guimaras oil spill at iyong ating Mayon evacuees. Kasama rin diyan iyong compensation sa mga human rights victims noong panahon ni Pangulong Marcos. Iyong dahilan lamang sa mga panukala na pumasa na ang anti-terrorism ay malapit nang pumasa, nasa last stage na iyong tinatawag na individual amendments na lamang at pagkatapos niyan ay maaaprubahan na rin. Bukod doon sa mga naaprubahan nating maraming-marami, marami pang tumakbo na at malapit na sa approval, hindi na nga lang umabot. Kaya medyo maganda ang balita natin ngayon.

Iyong automation, aabot pa kaya ito bago mag-Mayo?

SPMV: Palagay ko naman. Iyan naman ay implementasyon na lamang subalit palagay ko ay kaya naman iyan.

Kumusta na po iyong development ng anti-terror bill sa pagitan ng mga senador?

SPMV: Ang sa sakin kasi okay lang naman iyong magkakaiba-iba opinion, hindi naman kayo kailangang mag-agree. Ang importante lang sa takdang oras, magbobotohan. Iyon lang naman ang hinihiling ko na okay lang na magkaiba-iba kayo basta sa takdang panahon, magbobotohan tayo. Hindi naman kasi pwedeng idelay ang bill nang indefinitely dahilan sa ikaw o dalawang tao ay ayaw sa panukala. Siyempre iyan ay kung ano pa rin ang isipan ng nakararami.

Nasa extreme alert ang AFP ngayon sa Mindanao. Palagay ninyo po ba maihahabol natin itong anti-terror bill?

SPMV: Iyang anti-terrorism bill, hindi mo mapapaligaya ang lahat ng tao diyan sapagkat maraming-maraming tao ang hinihintay iyan. Baka magkaroon ng terroristic acts sa Mindanao, etc. Marami rin namang taong natatakot dahilan sa talagang ginagamit naman ng administrasyon sa medyo masyadong human rights violation itong mga batas. Dedesisyon tayo diyan, iyong talagang gagawin natin iyong magagawa natin para magkaroon ng probisyon na hindi magagamit iyong anti-terrorism bill. Pero hanggang ganyan na lamang tayo. At a certain point, kinakailangan pa rin na meron tayong anti terrorism bill.

Hindi po ba naaalarma ang Senado sa ganitong sitwasyon kagaya ng pambobomba?

SPMV: Actually naman, to be fair, bawal naman pa rin iyan. Hindi naman nangangahulugan na porket walang anti-terrorism bill ay hindi bawal iyong maggawa ng ganyan. Bawal pa ring pumatay ng tao, bawal pa rin magbomba. Bawal pa rin mangggulo. Kaya lang isinasaayos natin subalit hindi naman mapipigil niyan ang pag-aresto at paghuli sa mga gagawa ng ganyang kalokohan.

So maingat na maingat po itong anti-terror bill

SPMV: Oo. Isinasaayos lang natin pero hindi naman nangangahulugan na dahil walang bill, walang karapatan ang ating mga pulis na manghuli o magpakulong ng sinumang gagawa ng terrorism. (end)

News Latest News Feed