Press Release
October 9, 2006

Transcript of Interview with Senate President Manny Villar

Who would constitute the Ethics Committee now that

SPMBV: Nag-uusap ang members ng majority para i-nominate namin iyong mga members sa Ethics Committee. Hindi naman tayo nagmamadali dito; dadalawang araw na lamang ang nalalabi at malamang nito ay baka maconstitute ito pag open na ng session natin sa November 6. Titingnan din natin kung kaya pang mabuo itong committee na ito sa Miyerkules.

Ano po ang gagawin ng Ethics .?

SPMBV: Depende iyan sa magiging chairman. Siya ang mag-iischedule at siya ang magpaplano ng nararapat gawin sa letter na ito sa Ethics Committee. Itong mga bagay naman na ito ay siyempre depende iyan sa schedule ng Senado at hindi naman kami nagmamadali dito.

May napupusuan na ba kung sino ang magiging chairman?

SPMBV: Wala pa. Ang desisyon na ito ay iiwanan ko sa kamay ng miyembro ng majority at mag-uusap kami mamaya.

Will you force it because our reading is that no one wants to touch it?

SPMBV: Wala naman talagang senador na gusto ang committee na ito at talagang inaasahan natin na mahihirapan tayong humanap ng miyembro ng mayorya na tatanggapin ang pwesto na ito.

Nagulat ba kayo biglang nagpush iyong minority kanina? Or may agreement na ba na buuin na?

SPMBV: Dahil merong letter sa amin, inaasahan din namin iyan. Siyempre, nagulat kami sa timing din pero hindi naman masyado dahil alam nila kasi na merong letter, so medyo lang nagulat.

Iyon naman talaga iyong rule of thumb: if there is no complaint, then we dont

SPMBV: Kung wala naman kasing complaint, wala namang necessity para buuin iyong Ethics Committee. Ngayong may complaint, kinakailangan nang buuin. Iyon nga lamang marami munang prayoridad sa Senado at ito siyempre ay isa lamang sa mga tatalakayin namin.

There is no urgency yet?

SPMBV: Wala naman akong nakikitang urgency dito at dadalawang araw na lamang ang nalalabi sa aming mga sesyon; dalawa hanggang tatlong araw na lamang. Marami kaming mga hinahabol. Itong gagawin namin sa Ethics Committee ay siyempre lilinya iyan sa mga schedule namin sa Senado.

Ano ang priority ninyong tapusin hanggang Biyernes?

SPMBV: Lahat ng nakasalang pipilitin naming matapos. Imo-move namin lahat. Okay naman, naggagalawan naman lahat. Di namin alam kung ilan ang matatapos naming, subalit marami namang gumagalaw ngayon at kami naman ay satisfied sa takbo ng mga panukala ngayon.

Are you confident that all the standing agencies/department will be considered?

SPMBV: Palagay ko naman. Maganda naman ang schedule ng Chairman ng Finance Committee na si Senator Frank Drilon at naniniwala kami sa kanyang kakayahan at palagay ko ay kayang-kaya naman niya iyan.

Anong balita sa House? Kelan ninyo ini-expect na ipasa rito iyong budget?

SPMBV: Iyon nga ang isang hinihintay pa namin. Kami ngayon ay naghahanda lamang para sa pagdating ng budget galing sa Mababang Kapulungan. Nais kong sabihin ngayon sa ating mga kababayan na hanggang ngayon ay wala pa sa amin ang budget. Hanggat hindi dumadating sa amin ang budget, hindi namin pwedeng pormal na talakayin iyang 2007 budget.

Ano ang inyong opinion sa kagustuhan ng minorya na madisiplina si Sen. Enrile?

SPMBV: Normal naman iyan na may mga kasamahan tayo na ganyan ang iniisip, subalit in the end, iyan ay magiging desisyon ng Senado sa kabuuan. (end)

News Latest News Feed