Press Release
September 27, 2006

Transcript of Interview with Senate President Manny Villar

On the confirmation of Esperon

SPMBV: Ito ay napagkaisahan ng mga miyembro ng Commission on Appointments na oras na rin para kumpirmahin natin ang mga generals natin at colonels, iyon lamang naman. Nang mawala na iyong reklamo, pwede na. Ganon lamang kasimple iyon, wala namang big deal about this confirmation.

Di ba.For submission sa plenary?

SPMBV: Kung wala naman kasing objection sa four-star, pareho na rin iyon. I mean kung ico-confirm mo sa three-star, di bat hindi pa gawing four-star? Kasi to me, kung hindi ka naman qualified na maging three or vice versa, either qualified ka sa dalawa or hindi ka qualified at all. So nung madesisyunan na qualified siya sa confirmation, sabay na.

Is this a message na kalimutan na muna yung Garci tape scandal?

SPMBV: Kaya may committee iyan. Hindi naman nangangahulugan na makakalimutan na iyan. Pero kung ire-revive, pwede pa rin i-revive iyon. Wala naman kinalaman iyon. Ang confirmation ay isang proseso rin na dapat natin igalang at kagaya iyan sa Chief of Staff. Ang Chief of Staff naman kasi, iyan ay normally prerogative ng Pangulo iyan at kung nagkakaroon lang ng question na seryoso kaya hindi na nako-confirm iyong ganyang appointment. Siguro na-resolve na nila iyong question sa isipan ng ating mga kasamahan dito sa commission.

ON the SAF?

SPMBV: Sa SAF, nagpaliwanag sa amin si PNP Chief Calderon at nagkausap kami. Ipinaliwanag nila iyong kanilang ginawa noon at hindi naman iyon ang intensyon ng kanilang sinabi. Mananatili dito iyong mga SAF na personnel na naka-assign sa Senado at iyon ay hindi nga papalitan. Napagkasunduan namin na sila rin iyong maa-assign dito at babaguhin na lamang ang kanilang unit from SAF sa PSPO. Subalit ang mga tao ay pareho pa rin at hindi kami pumayag na iibahin ang mga taong naka-assign dito sa Senado.

Walang reshuffle ng mga pulis?

SPMBV: Wala, same personnel. Iyon lamang kanilang unit ang babaguhin.

Iyong walo na kasama?

SPMBV: Kasama pa rin, dito pa rin iyon at babalik sila. Nakabalik na nga sila, nakabalik na silang lahat dito at normal na ngayon at nagkaroon kami ng unawaan na hindi naman nila gagawin iyon at wala naman daw silang balak na pigilan iyong mga ganyan. Gagamitin pa rin namin sa pagtupad ng aming tungkulin ang mga miyembro ng PSPO ngayon na kanilang in-assign dito.

Did they explain why there was an initial move to pull out the SAF and change it to PSPO?

SPMBV: Siyempre may paliwanag sila at sa akin naman, ang mahalaga ay iyong darating na panahon na ang mahalaga iyong mga taong iyon na tumulong sa atin sa pag-serve ng warrant ay hindi maparusahan at hindi matanggal sa Senado. Iyon lamang ang aking siniguro at nagkaroon naman kami ng maliwanag na usapan na tuloy iyong present system ngayon. Nagbago lamang naman ay iyong kanilang unit. But this very same people will be assigned here.

Demotion iyon kasi elite force ang SAF?

SPMBV: Alam mo hindi naman aadmitin ng mga police na demotion pag naging pulis ka. Saka isa pa bibigyan sila ng choice, bibigyan sila ng karapatan pumili kung saan nila gusto sumama. Iyon pa ang isang concession na nakuha natin, they have the choice to join kung anong unit ang gusto nila.

The resolution condemning the pull out?

SPMBV: Nandun na iyong reso. Siguro nga kaya nagkaroon ng pagpapaliwanagan dahil doon sa reso na iyon. Okay naman, naipakita namin na hindi naman papayag ang Senado kung meron mang magkakaroon ng ganyang insidente sa mga darating na panahon.

Sine-set aside na ninyo iyong pag-iissue ng sariling security force ng Senado?

SPMBV: Iyon naman, kagaya sa Amerika may sariling unit ang Congress, iyon naman ay parating nandiyan ang posibilidad na iyon at hindi namin aalisin iyon. Sa ngayon ay hindi na muna kailangan. Pero iyang posibilidad na iyan ay parati naming pag-aaralan at iyong proposal na iyan ay maaari naming i-activate kung dumating ang panahon na kailangan namin iyong ganyang pwersa. Sa ngayon ay hindi naman at palagay ko ay maaayos na ito.

Inatras na nila iyong utos nila sa mga pulis assigned at the House and the Senate na huwag sumunod?

SPMBV: Iyon ang niliwanag ko na hindi na nila iyon pwedeng gawin at iyon ang pinagkasunduan namin.

Pumayag naman?

SPMBV: Pumayag naman sila.

When did you talk?

SPMBV: Kahapon.

Formal withdrawal? But their orders still come from their superiors?

SPMBV: Hindi naman, iyong dating sistema ng kooperasyon natin. Ang kanilang primary objective ay ipagtanggol itong Senado dahilan sa ang Senado naman ay hindi lamang sa pag-serve ng warrant ang dahilan kung bakit nandito sila, pwede maging problema rin sa larangan ng terorismo iyan at kudeta. Halimbawa, bilang isang institusyon na mahalaga sa ating gobyerno, possible maging target din ang Senado, ang House of Representatives, ang Supreme Court at ang iba pang mga instalasyon ng gobyerno. Talagang obligasyon nila na pangalagaan iyang mga institusyon na iyan.

Hindi na kailangan ng clearance para tumulong sa pag-serve ng warrant?

SPMBV: Hindi naman, siguro sa mga darating na panahon kung makapag-serve lang ng warrant. Mas maganda na may sarili kami talaga.

Iyong gag order sa mga senators, has it been clarified?

SPMBV: Sa akin na-clarify naman. In fact wala naman akong tinatanggap na may gag order. Nabasa lamang natin sa diyaryo iyan pero sa paniwala ko, wala namang gag order.

Kasi Commissioner Abcede is threatening to cite some senators in contempt for continuing to attack?

SPMBV: Hindi naman ako mag-kokomento na kay Mr. Abcede. Siya na lamang mag-isa niya ang magkomento sa sarili niya.

Nagkita kayo ni Calderon kahapon or sa phone lang?

SPMBV: Pinuntahan nila ako dito.

Itutuloy iyong commendation?

SPMBV: Oo, okay naman iyon. Itutuloy namin iyong commendation.

Sabi ni JDV pag natalo sila sa SC, plan B naman?

SPMBV: Dapat meron na silang plan D kasi mahaba haba ang pagkatalo nila. (end)

News Latest News Feed