Press Release
September 25, 2006

Transcript of interview with Senate President Manny Villar

Q: Top pick ng pangulo to lead the administration senatorial slate?

SPMBV: Dito naman sa Senado ay hindi pa namin pinag-uusapan ang mga bagay na iyan dahil nga may mga movement sa ibat ibang sector na aalisin pa nga ang eleksyon. Iyan ay nilalabanan namin dahil talagang gusto naming magkaroon ng eleksyon sa 2007. Of course, ako ay tatakbo sa Nacionalista Party at bilang pangulo ng Nacionalista Party, obligado ako na tumakbo sa partido na iyan at makikipag-ally naman iyan sa inaakala nating dapat namin kasama sa 2007.

Q: Alliance lang, hindi Lakas?

SPMBV: Hindi. Nacionalista Party ay isang partido na buo naman ang grupo rin at makikipag-usap ng alliance iyan with any party.

Q: Bakit ayaw ninyong ma-associate sa administration?

SPMBV: No, wala naman akong sinasabing ganyan. Ako ay pangulo ng Nacionalista Party at napakapangit naman na sa ibang partido tayo tatakbo. Siyempre sa Nacionalista Party tayo. Iyon ay isang malaking karangalan na maging kandidato ng Nacionalista Party.

Q: Primary factor for being drafted in a senatorial ticket?

SPMBV: Tinitingnan ko nga sila kung sino iyong mga loyal sa akin. Im not being fair everybody.

Q: Tini-treat nila iyong Wednesday group na makukuha nila..?

SPMBV: Sa tinign ko ngayon napakaagang pag-usapan natin ang senatorial na napakaraming movement na i-amend ang Constitution at i-abolish ang Senado. Sa tingin ko dapat malinawanagan muna lahat ito bago natin pag-usapan kung sino-sino iyong kakandidato. Sa ngayon sa Senado, talagang inaapura namin iyong mga panukala dito para maganda ang maging record natin bago magsara ang 13th Congress.

Q: Malacañang is already giving up on ChaCha?

SPMBV: Duda ako kung naggi-give up na ang Malacañang diyan. Palagay ko ay maaaring isang statement lamang iyan ng isang kaalyado ng Pangulo at maaaring hindi authorized iyan. Maaari din naman na naniniguro din nang sabayan, parehong posible iyan. Sa ngayon hindi natin alam kung ano talaga. Subalit posible na naniniguro rin sila just in case matalo sa SC pero hindi nangangahulugan iyan na nagla-lie low na sila sa pagtulak sa chacha.

Q: Consideration na lang nila ay loyalty to the the President hindi na iyon winnability? Comfortable ba kayo na ganun o?

SPMBV: Sa tingin ko hindi naman dapat na loyalty o winnability. Sa tingin ko syempre kung sino pa rin iyong makakatulong sa bayan.

Q: Talking with Eraps camp?

SPMBV: Well talk to everybody pero kami ni Pangulong Erap magkaibigan naman kami. Marami kaming mga pinag-uusapan at sa tamang panahon, iyan ay aming idi-disclose. We dont feel this is the right time to disclose.

Q: Kasama doon iyong alliance ng NP?

SPMBV: Theres a possibility.

Q: So wala ng chance sa admin?

SPMBV: Teka muna, wala pa. Open pa tayo. Masyadong maaga. Setyembre pa lang kasi.

Q: December ang filing ng candidacy?

SPMBV: Pero tatlong buwan, di ba? Sa Thailand nga isang araw lang nag-coup detat.

Q: Youre both talking with the camp of Erap and the camp

SPMBV: Im talking with anybody. Im talking to anybody. Im talking to you. Im talking to Ping Lacson, lahat kami pwedeng magkakasama lahat.

News Latest News Feed