Press Release
September 19, 2006

Transcript of interview Senate President Manny Villar

Q: Tungkol sa pagpapa-ospital ni Sabio

SPMBV: Yes. Understanding naman tayo sa mga bagay na ganyan. Talagang pumunta sa ospital, okay naman iyon. I think na-establish na naman iyong mensahe natin sa Senado at iyon ang rekomendasyon din ng chairman natin. Ating sinusunod lamang iyon.

Q: Tuloy ba iyong manhunt o hinold ninyo muna?

SPMBV: Tuloy naman iyong manhunt kasi hindi mo naman talaga pwedeng pigilan iyan, trabaho ng ating Sgt.-at-Arms na iimplement ang ating order na ganyan. Sa Huwebes naman ay magkakaroon ng oral presentation sa Supreme Court. Si Senator Arroyo ang magre-represent sa Senado kasama si Dean Agabin. Silang dalawa ang magre-represent sa Senado kasama na ito iyong sa pag-participate namin, pag-intervene namin sa Sigaw, dito sa initiative. The Senate will intervene that case and Joker Arroyo will once again represent the Senate together with Dean Agabin.

Q: Si Dean Agabin pa rin ba?

SPMBV: Silang dalawa as private counsel, mag-aasist kay Joker.

Q: Sabi ni Recto dapat daw pinalaya na lang daw si Sabio kasi parang kawawa naman, sickly, papangit daw iyong imahe ng Senado?

SPMBV: Nasa clinic naman siya, so baka healthy pa nga ito, baka welcome na welcome sa kanya na nagkakaroon siya ng free check-up.

Q: Even though sa PCGG walang nagche-check sa kanya?

SPMBV: Actually naman, talagang alagang-alaga siya rito at lahat ng aming doctors at nurses siya ang iniisip.

Q: Sa tingin ninyo, dapat nang i-abolish iyong PCGG?

SPMBV: Sa akin, pwede na rin i-abolish kasi wala na naman nangyayari, dalawamput taon na. Tingin ko pag hindi ka makakakulekta after 20 years, hindi ka na makakakulekta. After 20 years, kung wala ka pang maire-report, wala ka na talagang mairereport.

Q: The matter of the corporations that are under the jurisdiction of the PCGG?

SPMBV: Magkakaroon siyempre ng sistema how to deal with this, pero it is about time na harapin natin iyong katotohanan na ang PCGG ay hindi naging epektibo sa kanyang obligasyon, sa kanyang trabaho at dapat diyan baguhin natin o bigyan natin ng katapusan.

Q: Saan magsisimula ang step ng pag-aabolish?

SPMBV: Kailangang pag-aralang mabuti kasi may mga pending legal cases at kailangang pag-aralan ito. Ang maliwanag lamang ay after 20 years, hindi pwedeng ituloy ito. Kinakailangang baguhin ang sistema para maging mas effective o makaisip tayo ng bagong sistema na makokolekta talaga iyong pera.

Q: Mapapadali na ba iyon?

SPMBV: Palagay ko madaliin natin para tapos na, kasi 20 years na at talagang ayaw pa mag-accounting. Paano ang gagawin natin diyan sa ganyang klaseng institusyon. (end)

News Latest News Feed