Press Release
September 14, 2006

Transcript of interview Senate President Manny Villar

Sen. Miriam says the Philippine Government can make a protest with the US government over the Senates breaking of protocol by sending the documents on the Bolante case diretso sa Attorney General of the state department?

SPMBV: Lahat naman ng senador ay talagang welcome mag-comment at ibigay ang kanilang opinion at ang Senado ay gagawin naman nila ang tingin nilang dapat gawin. Ang mga committee chairmen namin at ang Senado ay basta gagawin nila iyong kanilang inaakala na tama at iyon ang ginawa namin sa kaso ni Mr. Bolante, at ang Malacañang naman can do anything na inaakala nila na tama naman. Talagang sa mga nangyayaring ito ang dapat ay sumusunod tayo sa proseso, sumusunod tayo sa dapat takbuhin ng mga institusyon.

That was what Sen. Miriam was saying, hindi tayo sumunod sa proseso. Dapat dinaan natin sa Malacañang at sila ang nagpadala sa state department

SPMBV: Meron namang recourse diyan ang National Government kung sa tingin nila ay mayrong na-violate na protocol tayo, kasi naman ang ating executive department din ay napakarami na rin namang na-break na mga protocol at mga sistema kaya sa palagay ko, minsan gumagawa ka ng ganitong mga bagay.

If Sabio doesnt talk today before the hearing, the Senate keeps him in custody?

SPMBV: Iyan ay pagdedesisyunan ng committee at magbobotohan ang committee. Kung ano ang desisyon ng komite, ang majority member ang magde-decide, ako ay sasang-ayunan ko iyan. Iyan ang aming pinagkakasunduan at iang aming susundin.

The Solicitor General has filed a petition for habeas corpus for Mr. Sabio before the Supreme Court. Your instructions to our legal department

SPMBV: Ginagawa nila ang tungkulin nila, gagawin din namin ang tungkulin namin.

You will answer it at a proper forum

SPMBV: Yes, sasagutin namin iyan. Ipagtatanggol namin ang karapatan ng Senado sa bagay na ito at ginagawa lang nila ang trabaho nila. Tama naman din iyon.

Latest report is the Philippines is the poorest performing economy in Asia?

SPMBV: Hindi naman siguro tama iyon. Ako naman ay hindi naman spokesman ng ating pangulo subalit hindi naman tama iyan. Sa tingin ko naman ang performance natin ay fair to good. Hindi pinakamagaling pero hindi naman masasabi na pinakamasamang performance.

Mapipilit ba si Sabio na magsalita o ayaw niyang magsalita sa public hearing?

SPMBV: Wala namang makaka-compel na magsalita siya o hindi. Iyan ay nasa sa kanya at ito naman ay proseso lamang na ginagawa namin sa Senado. Mas maganda sana kung makakapagsalita na siya. Kung ayaw niya, Im sure na meron naman siyang kadahilanan doon. Wala naman tayong magagawa doon at dapat din na igalang nating ang kanyang opinion.

Di ninyo siya pipilitin?

SPMBV: Hindi natin siya mapipilit. Alam naman niya ang repercussions niyon kung ayaw niyang mgsalita. Im sure na nalalalaman niya ang pros and cons ng kanyang gagawin. Matalino naman si Atty. Sabio at isang tao na Im sure nalalaman niya ang kanyang ginagawa.

Pagkatapos ng hearing na ito, palalayain na ba siya ng chairman?

SPMBV: Kung satisfied na iyong committee sa kanyang pag-testify, palalayain na siya kasi ang dahilan naman dito sa arrest na ito ay para mapilitan siyang mag-testify. Kung nagtestify naman siya at satisfied naman ang committee, malamang boboto ang kumite na palayain na siya. Iyan ay isang bagay na dedesisyunan ng komite.

Hindi ba dadaan sa inyo ito?

SPMBV: Hindi, magrerekomenda ang committee sa akin. Kung ang rekomendasyon naman nila ay sasabihin nila satisfied na sila, of course iyon naman ang procedure talaga doon. Palalayain na siya.

You have any update sa nine other officials na pinapaaresto ninyo? SPMBV: Siyempre naman hindi naman tayo humihingi ng update doon.

Hindi kayo titigil?

SPMBV: Oo naman kasi pag may warrant naman talaga ay may warrant. Nais lamang naming ipaliwanag na iyan po ay ginagawa lamang namin ang aming tungkulin at kung meron naman pong magagawa iyon mga iba na tingin nila ay mali, meron naman tayong Supreme Court o ibang paraan para maipaliwanag nila iyong kanilang kaso. Subalit kami po ay gagawin namin ang aming tungkulin.

Iyon ang mas kailangan natin?

SPMBV: Napakarami sa ating problema talaga nanggagaling sa kahirapan ng ating bayan. Ang tanging solusyon lang naman sa kahirapan natin ay iyong magkaroon tayo ng mas malaking ekonomiya na tutulong sa ating mga kababayan. Siyempre pag mas malaki ang ekonomiya, mas maraming trabaho, tataas ang antas ng kabuhayan ng ating mga kababayan. Ang tanging paraan diyan ay magkaroon ng mas marami pang entrepreneurs na magnenegosyo para dumami ang mga trabaho.

Marami ba ang may potential sa atin na mag-negosyo?

SPMBV: Diyan tayo magaling sa Pilipinas. Alam mo itong technology kaya ko gustong puntahan ito, dahil sa ito ay walang kailangang puhunan, utak lang ito at tsaka hindi kailangan ng experience. Pati mga teenager dito pwedeng magkaroon ng maraming idea at pwede maging successful. Iyong pinaka-successful na entrepreneur dito, sina Bill Gates, pare-parehong drop outs.

In the advent of technology. would you say that people have coped up with the information technology?

SPMBV: Parang ang kalidad ng buhay mababa na pag hindi ka marunong ng technology like sa internet napakaraming makukuha diyan. Pwede kang maglaro, games, pwede kang manood ng TV, may magtuturo sa iyo ng dapat mong malaman, pwede kang mag-communicate sa mga kaibigan mo. Ang computer ngayon parang sapatos na, na pag hindi ka marunong para kang walang sapatos.

Kailangang talagang sumabay talaga?

SPMBV: Kailangan, kung hindi parang kulang ang buhay mo. Pero sa kabataan naman, walang problema dahil ang kabataan mabilis matuto. Ang problema ay iyon may edad na. May problema talagang mag-adjust dahil iba ang kinagisnan nila pero iyong mga kabataan, napakabilis mag-adjust. Makakita lang ng computer, kasi sanay sila, sa telebisyon, sa mga video games, sanay silang maggagalaw niyan maski saan sila pumunta, sa internet caf. Halos lahat ng kabataan marunong niyan, sa cellphone kaya walang problema ang kabataan. In fact, ang mas may problema sa atin iyong may mga edad na dahil nahihirapang mag-adjust.

On the part of legislation, how about bills on uninterrupted power supply?

SPMBV: Hindi kasi policy iyan. It should be the policy, at the end of the day it becomes a problem of funding kasi kailangan talaga bibili tayo ng mas magandang facilities for that at iyong ating power facilities should be improved. Sa ngayon, may mga nabibili naman na pribado na magagamit mo para ma-avoid iyan. Pero naiintindihan natin na ito ay isang problema ng developing country like us and ang talagang makaka-solve lang nito talaga finally ay iyong lumaki ang budget natin sa power. Itoy isang bagay na babagsak na naman tayo sa appropriate na allocation ng ating limited funding sa gobyerno. (end)

News Latest News Feed