Press Release
August 30, 2006

Transcript of interview with Senate President Manny Villar

Q: On the agenda of the caucus

SPMBV: We discussed the priorities. We have to agree on the prioritization ng lahat ng bills. I want to schedule. I want to have a timeline of all the pending bills up to December para well already, more or less, hopefully agree on what bills to pass.

Q: We understand that the decision is to show why they should not be cited for contempt?

SPMBV: Nais lamang namin sabihin na talagang hindi kami sumasang-ayon sa interpretasyon ng Malacañang sa decision ng Supreme Court sa EO 464 at dahilan dito, gusto naming ipakita na talagang gagawin naman namin ang aming tungkulin. Kaya nga lang, ayaw namin makita na parang nagmamadali kami or hindi namin binibigyan ng pagkakataon iyong mga tumanggi na sumipot. Kaya bibigyan namin sila ng tsansa, hihingan namin sila ng paliwanag kung bakit hindi sila dapat ma-cite for contempt at maaaring mag-schedule ulit kami ng hearing kung saan iimbitahan namin sila subalit pagkatapos niyan, obligado na kaming gawin ang tungkulin na ibinigay sa amin ng Konstitusyon-- ang i-cite sila for contempt at mag-issue ng warrant of arrest.

Q: Step by step?

SPMBV: Kailangan kasi maayos dahilan sa hindi maganda na parang ragasa ang dating natin. Hindi namin hangarin ang makipag-away sa kaninumang institusyon o kaninumang tao. Hindi rin namin hangarin na bawasan ang karapatang pantao ng ating mga bisita. Kaya lang maliwanag na obligado kaming pangalagaan ang Senado bilang isang instutusyon.

Q: Pero lagi na lang kayong nai-isnab? Ito bay last act na nila?

SPMBV: Hindi naman totoo na lagi kaming naiisnab din. Meron din namang dumarating na iba. Kaya nga lamang hindi pwede naman iyong sistema na namimili lamang sila ng pupuntahan at iyon lamang gusto nilang puntahan ang pupuntahan nila. Hindi naman pwede iyon. Doon naman sa proseso, kung konting diperensya lamang, kami naman ay pumapayag diyan. Ayaw naman namin masabi na konting bagay ay hindi namin kayang pagbigyan. Iyong mga hinihingi nilang requirements, kami naman ay nahahandang tumugon diyan. Subalit hindi lahat. May mga pagkakataon na may mga hinihingi ang Malacañang na hindi naman pwedeng ibigay. Pag doon sa bagay na iyon, wala na kaming magagawa.

Q: At the moment one more chancemay isa pang pagkakataon?

SPMBV: Oo, kasi sa amin, ayaw naming sabihin na nagraragasa sila doon, nakikipag-away kami talaga. Kami ay ginagawa lang namin ang aming tungkulin na ibinigay sa amin ng Konstitusyon at maliwanag din naman sa interpretasyon namin, sa desisyon ng Supreme Court ay napakaliwanag naman. Iyon din ang gusto namin sundin.

News Latest News Feed