Press Release
August 16, 2006

Transcript of interview with Senate President Manny Villar

Q: On the warrant of arrest issued for Senator Jinggoy Estrada

SPMBV: Kanina dumating iyong Pasay City police at nagse-serve ng warrant of arrest kay Senator Jinggoy. Ipinaliwanag ko na hindi pwede iyon sapagkat ang Kongreso ay nasa session. Maliwanag sa ating Konstitusyon na ang isang miyembro ng Kongreso ay hindi pwedeng arestuhin sa isang krimen na less than six years ang penalty, kasama na diyan ang libel, kung merong session ang Kongreso. Right now, may session kami at hindi pa kami nag-aadjourn ng sine die kaya hindi pwedeng arestuhin si Sen. Jinggoy. Iyan ang sinabi ko sa mga arresting officers, hindi namin pwedeng i-allow na mag-serve sila ng warrant dito nang habang may session. Itoy nakakalungkot talaga na pati ang Senado ngayon at ang Kongreso ay pinag-iinitan at masyadong binabalewala. Hindi ko malaman kung sino ang nag-aadvise sa mga ganitong mga bagay sa mga operatives natin, sa ating mga pulis. Subalit itong pangyayaring ito ay talagang nakakalungkot at malamang nito lalo kaming mahihirapang ipasa ang mga panukala na kagaya ng anti-terrorism. Napakahirap nang ipasa iyan sapagkat ito ngang wala pa iyan ay nagkakaroon na ng mga ganyang harassment. Maliwanag naman na harassment lamang ito. Siyempre, naiintindihan natin iyong mga dapat intindihin ng mga public officials o asawa ng public officials na involved sa gobyerno na hindi pwede tayong balat-sibuyas dito. Talagang kasama iyan sa ating tungkulin na maging open at tumanggap ng mga criticisms. Hindi tayo pwedeng balat-sibuyas diyan.

Q: Immunity from arrest is only when Congress is in session?

SPMBV: Oo, pero ang sa akin naman, minor lamang naman iyang libel. Pwede namang magpiyansa si Jinggoy but at his own free will, at his own time, habang hindi pa tapos ang Kongreso. Iyong idea na magse-serve sila ng warrant dito ay mali naman iyan.

Q: So hindi ninyo tinanggap?

SPMBV: Hindi ko tinanggap at pinauwi ko na sila. Pinakita ko lang sa kanila iyong provision ng ating Konstitusyon na maliwanag naman.

Q: You were immediately informed that they are serving a warrant of arrest?

SPMBV: Nakausap naman ni General Balajadia, iyong sa ating OSAA. Tinawagan ako kaya sumugod kaagad ako dito para ako ang magsabi sa kanila na hindi talaga pwede iyon.

Q: Nandito ka sa office ninyo when you learned?

SPMBV: Nasa labas ako pero malapit lang kaya pumunta kaagad ako dito at hindi naman pwede iyon at hindi ko naman pwedeng hayaan ang isang senador na maganon na lamang dito.

Q: Nabanggit ninyo na nakausap ninyo si Sen. JInggoy?

SPMBV: Nagkausap na kami at pwede ninyo siyang interviewhin.

Q: Wala siyang request? Personal iyong initiative ninyo?

SPMBV: Wala, wala namang pakiusap.

Q: Nalaman ni Sen. Jinggoy through you na in-inform lang ninyo?

SPMBV: Di ko alam kung ano basta akoy tinawagan lang dito.

Q: Nawala siya doon sa hearing?

SPMBV: Hindi naman siguro. Normal lamang naman iyan na baka naman may ginawa siya.

Q: Pero hindi ninyo siya iniharap?

SPMBV: Hindi, hindi kailangan.

Q: Iyong sinabi ninyong pinag-iinitian, is it because of the OWWA issue?

SPMBV: Sa akin, pangkalahatan na iyan. Talagang ang Senado ay pinag-iinitan yata at masyado namang mainipin iyong mga iba at gusto nang alisin ang Senado. Hindi pa naaalis, dinadaan na rito. Hindi maganda iyan, at sa akin, bukod sa nakakalungkot talaga, kinokondena namin itong ganitong mga aksyon at hindi namin papayagan ito. Dito kami, buo kami sa Senado sa mga bagay na ito. Talagang hindi kami makakapayag na ganyan-ganyanin na lamang ang Senado.

Q: Parang political harassment ito?

SPMBV: Maliwanag naman kasi ang Konstitusyon natin at maliwanag na dapat susundin na lamang nila iyon.

Q: So you think may go-signal sa Malacañang ?

SPMBV: Hindi ko alam iyan pero palagay ko meron sapagkat hindi naman maglalakas ng loob itong mga ito nang walang go signal sa nag-demanda. Bagamat hindi ko masasabi, hindi ako sigurado pero sa palagay ko ang mga pulis lamang, hindi magkakalakas-loob ang mga ito.

Q: Iyong judge, pwedeng magkaroon ng legal liability, sabihin nating aware siya dun sa immunity na pribilehiyo ng mga lawmakers?

SPMBV: Sa amin, nag-usap kami ni Sen. Jinggoy sa bagay na ito at iyan ay aming pag-uusapan, ng aming legal, kung ano ang aming dapat gawin bilang isang institusyon. In fact, mamaya, pag-uusapan namin ito sa plenary para mapag-usapan namin dahil hindi maganda ito at dapat ay lahat ng senador ay aware dito sa mga ganitong mga pangyayari.

Q: Does this hamper the passage of the anti-terror bill?

SPMBV: Hindi natin masabi iyan, pero palagay ko, logically, iyong natatakot diyan, lalong matatakot. Gayunpaman, ayokong pangunahan ang aking mga ksamahan dito sa issue na ito.

Q: What is your message to Malacañang ?

SPMBV: Ang sa akin, ang mga public officials, huwag masyadong sensitibo sa bagay na ito lalung-lalo na ngayong mahalaga ang mga institusyon na ipagtanggol natin ang demokrasya. Huwag tayong masyadong mainit ang ulo at iyong mga nagpaplano ng mga ganito, sana mag-ingat naman kayo sapagkat matagal din naman nating binuild-up at binuo ang mga institusyon na ito. Matagal nating binuild-up ang ating demokrasya. Huwag ninyo namang basta-basta gaganyanin na lamang iyan.

Q: Do you also see a correlation between the revival of the Pidal issue and jueteng with this incident?

SPMBV: Hindi ko alam. Palagay ko sama-sama iyan, maaaring sa kabuuan iyan. Hindi ko naman alam talaga ang specifics dito pero sa akin nakikita ko itong pattern of harassment na ito na maaaring magsimula at magtuluy-tuloy kung hindi mapipigilan.

Q: Would there be a resolution?

SPMBV: Palagay ko magkakaroon kami ng resolution dito sa bagay na ito subalit bibigyan ko ng laya si Sen. Jinggoy na siya muna ang magsalita bago ko siya pangunahan.

Q: How would this incident affect your relationship with them?

SPMBV: Definitely, hindi paganda. Siyempre ang relasyong ito papangit pagka-ganito ang nangyari. Siyempre kami ay hindi natutuwa dito. Walang natutuwang senador sa mga ganitong mga bagay.

Personally sir?

SPMBV: We dont know yet. Ito ay pag-uusapan namin. Hindi naman kailangan kaming mag-retaliate kaagad or at all. Kami ay papatuparin namin ang batas pero definitely iko-condemn namin ang anything na laban sa institusyon hindi lamang ang Senado kung hindi maging sa mga institusyon dito sa ating demokrasya.

Katulad sa 1017 iyong condemnation ninyo?

SPMBV: Baka mas matindi pa doon. (end)

News Latest News Feed