Press Release
July 26, 2006

Transcript of interview with Senator and
Liberal Party President Franklin M. Drilon

Q: Last year noong nag-oath taking kayo sa LP, nakita namin, mas marami kayo, nakaapekto ba talaga ang rift sa LP?

SFMD: Siyempre. Mahirap lumaban sa city hall. Alam naman natin na ang kabila ay pinapanigan ng administrasyon. Itong nakikita ninyo ngayon ay ang talagang tunay na Partido Liberal. Sa Senado, buo kami. Kaming apat ay hindi naghihiwalay. Sa Kongreso, may nawala kaming mahigit siguro sa kalahati. Ngunit iyon naman ay proseso. Sa loob ng animnapung taon, this party has gone through several tests and we have always survived. I am confident that we will survive. And we will continue to rebuild this party based on principles. I am confident that we will succeed in the next year's elections.

Q: Sa SONA maraming proyekto ang inihayag ng Pangulo, may mga tanong kung saan kukunin ang pondo

SFMD: Nowadays, sa bawat makulektang P3 buwis, piso ang pumupunta sa interes. Noong nakaraang taon, mahigit sa P900 bilyon ang nkoleksyon ng BIR, Customs at ng buong pamahalaan. Mahigit sa P300 bilyon ay napunta sa interes lamang ng ating utang, hindi pa principal iyan. Kaya hindi kami papayag sa Senado na dagdagan ang ating utang para sa proyektong nabanggit. Hindi po masama na managinip sa mga proyektong ito na kailangan natin. Ngunit dapat ang pagkukunan ay maayos na pagkolekta ng buiwis at pinakaimportante, ang pagbuo ng proyekto na walang kurakot. Kung walang kurakot, kaya siguro. Halimbawa, itong P1 bilyon para sa anti-corruption ngunit si Bolante, hindi man lang maibalik dito sa bansa? Kaya mahirap paniwalaan na seryoso ang pamahalaan sa kampanya laban sa korapsyon dahil kay Bolante. Hanggang hindi natin nalilinis ang patakaran sa pagbuo ng mga proyekto, talagang mahihirapan ang paghahanap ng salapi para dito. Ako ay sang-ayon na ang mga proyektong ito ay kailangan ng taong-bayan ngunit hindi ako sang-ayon sa pangungutang para rito dahil mahigit sa P300 bilyon ang binabayad natin para sa interes lamang. Ang apo ng ating apo ay magbabayad pa ng utang natin. Ang importante ay mabigyan natin ng pondo sa pamamagitan ng malinis na pamamalakad ng ating pamahalaan.

Q: Hindi ba ironic na sabi ni GMA we have the funds for these projects tapos kahapon nagtuturuan na ang DFA dahil wala nang pondo para sa repatriation

SFMD: Ang OWWA ay may mahigit na P7.5 bilyon na pondo. Hindi pupwede na walang pera para sa repatriation. Sinabi ko nga sa umpisa, $2 milyon lamang ang itinabi. Iyan po ay para lamang sa 1,500 manggagawa na ibig lumikas. Mahigit 30,000 ang ating manggagawa. May sapat na pondo ang OWWA at gamitin natin para sa ating mga manggagawa na sinasabi nating mga new heroes natin. Sila ngayon ang may pangangailangan. Panahon na para ipakita ng pamahalaan na talagang mayroon silang sinseridad sa pagtulong sa ating mga manggagawa sa ibayong-dagat.

Q: Bakit kaya nabanggit mismo ng isang opisyal ng DFA na wala nang pondo para sa repatriation?

SFMD: Ito po ay alam ko. Ito po ay galing sa mga opisyales ng OWWA at lumalabas sa aming budget hearings. P7.5 milyon ang cash reserves ng OWWA. Maliban pa iyan sa mga fixed assets. Iyan po ay puwede nating gamitin.

Q: Si Bolante po ay humihingi ng political asylum dahil sa banta ng NPA

SFMD: Ang political asylum ay base sa pangangamba na ikaw ay hahabulin ng pamahalaan. Persecution because of political beliefs is a ground for asylum. Ito pong si Jocjoc ay anak ng diyos. Bakit naman siya matatakot umuwi? Walang basehan po ang kanyang sinasabi na siya po ay hinahabol ng NPA. Wala naman akong narinig mula sa kanyang pananalita laban sa NPA. Wala po siyang ipinapahayag na paniniwalang pulitikal kung saan ay dapat siyang habulin ng NPA. Ang kasalanan po ay ang hindi maipaliwanag na P728 bilyon na fertilizer scam na dapat ay para sa ating mga magsasaka na mukhang sa kanyang pagmamaniobra ay napunta sa ibang bagay. Iyan po ang kanyang pananagutan. Wala po siyang pananagutan sa NPA. Wala po siyang paniniwalang pulitikal na ipinapahayag kaya ito po, sa akin, ay isang pamamaraan para hindi siya makabalik sa Pilipinas. Dahilan sa mahigit sa dalawa o tatlong taon ang proseso para sa isang political asylum. Habang pending itong kanyang political asylum, hindi siya puwedeng ibalik sa ating bansa. More than anything, this is a ruse on his part not to face charges here in our country. But there is no basis for his claim of political asylum.

Q: Masasabi po ba natin na talagang may enough fund ang government?

SFMD: Alam mo, ang estimate ay mahigit sa 30 porsyento ng nakalaan para sa isang proyekto ay napupunta sa korapsyon. If you just execute properly these projects without corruption, maybe you can have enough funds. For example, I have a school building program with the Filipino-Chinese Chamber of Commerce. I have allocated P250 million of my pork barrel wherein the Filipino-Chinese Chamber would execute the project. Each school room would only cost P180,000. With the DPWH contractors who do it, more than P400,000. So that is more than 50 percent. Why is it double the price? Because of corruption. Hindi natin kailangang mangutang. Hindi natin kailangan ang bagong buwis kung malinis ang paggawa nitong mga proyektong ito.

Q: Meron bang paiiraling party discipline on voting for the impeachment?

SFMD: Hindi pa namin napag-uusapan iyan ng aking mga kasamahan sa kamara. (end)

News Latest News Feed