Press Release
June 20, 2006

Transcript of Senate President Franklin M. Drilon's interview with Anthony Taberna and Jerry Baja over DZMM

Q: On campaign against corruption

SPFMD: Sa mga iba't ibang pag-aaral, ang mga sinasabi nila, mahigit sa kalahati o 40 porsyento o 30 porsyento ng ating public funds ay napupunta sa katiwalian. Kaya tama iyang lalagyan ng pondo para labanan ang katiwalian dahil sa kailangan natin ng dagdag na imbestigador sa Ombudsman. Ngunit ang mas importante ay ang political will, ang ating determinasyon na mawala itong katiwalian sa ating pamahalaan. Uulitin ko: kailangang natin ang pondo. Noong budget na nakaraan, talagang dinagdagan namin ang pondo ng Ombudsman noong si Simeon Marcelo ang namumuno ngunit beyond the funding, ang kailangnan natin ay ang political will to jail the grafters.

Q: Napakalaki po nitong perang ito bukod pa doon sa kanilang regular budget. Nangangamba ang ating mga kababayan na baka ang anti-corruption fund ay mapunta din sa corruption

SPFMD: Ang ating mga kababayan have become so cynical. Talagang hindi na pinagkakatiwalaan ang pamahalaan. Iyan po ang problema ng ating pamumuno ngayon na kahit anong gawin, ang taong bayan ay hirap na hirap na tanggapin na totoo ang kanilang mga sinasabi.

Q: Ganito na ka-cynical ang mga tao natin kahit na maganda ang layunin ng gobyerno

SPFMD: Iyan na nga ang sinasabi ko. Ang kredibilidad ng ating pamahalaan ay talagang below freezing point, 'ika nga kaya minus, minus, minus. Kaya iyan ang tingin ng taong bayan. Kahit anong gawin, kung walang tiwala ang taong bayan sa pamunuan ay talagang ganoong mga komentaryo ang inyong matatanggap.

Q: Pwede po bang padaanin sa accounting itong P1 B anti-corruption fund na ito?

SPFMD: Certainly. Iyan ay subject to audit ng COA. Talagang kailangang i-audit iyan.

Q: Mukhang napapahilig si GMA sa sunud-sunod na P 1 B.Ito ba ay pwede talagang gawin ng pangulo kahit na labas sa regular budget?

SPFMD: Hindi ko po alam, hindi ko masagot ang tanong mo. Hindi ko alam kung aling item ng budget ang ginamit diyan. Reenacted budget kasi tayo ngayon kaya mayrong malawak na discretion ang Pangulo kung saan manggagaling ang autorisasyon ng pondo. Pero hindi ko po masagot ang inyong tanong.

Q: Napakahirap palang sagutin?

SPFMD: Oo. Hindi naman sinasabi kung saan, I mean dahil reenacted budget tayo, madaling mag-realign ng budget. Halimbawa, kung ang isang proyekto ay tapos na, pwede mong i-realign iyan sa Ombudsman so hindi ko alam kung saan nanggagaling ang authorization niyan.

Q: Iyan po pala ang peligro ng reenacted budget?

SPFMD: Oo. May malawak na discretion sa pag-realign kung reenacted budget.

Q: Campaign against graft and corruption: Ang Senado po ay napagbibintangan na ahensiya ng mga imbestigador at mahilig mag-imbestiga?

SPFMD: Tama iyang sinabi ninyo, siguro ibigay nga iyong iba sa amin para makapagpatuloy iyong mga imbestigasyon.

Q: Hindi ba good news nga ito lalo na sa Senado. Mukhang seryoso ang Pangulo Arroyo na i-curb ang corruption?

SPFMD: Tama po iyan dahilan sa kung inyong maaalaala, isa sa mga inimbestigahan ng Senado na talagang may findings ng corruption ay iyong fertilizer scam. Kung inyong maaalaala, P728 B overpriced fertilizers iyong mga fertilizers na dapat mapunta sa ating mga magsasaka ay napunta sa bulsa ng ilang mga gumawa ng katiwalian.

Q: Gaano po kalaki ang inyong kumpiyansa sa ating Ombudsman lalo pa't nabanggit ninyo iyong sa fertlizer funds. Napakatagal na pong naisampa ni Atty. Frank Chavez iyong kaso diyan sa Ombudsman noon pang panahon ni Simeon Marcelo.hindi po umuusad. Ano po sa palagay ninyo ang dahilan..?

SPFMD: Hindi ko po alam ngunit meron po silang petsang ibinigay sa amin nuong budget hearing na sabi nila sa ganitong takdang panahon ay matatapos na. Hindi ko lang maalaala kung ano iyong takdang panahon, mukhang itong katapusan ng buwan.

Q: Anong taon po?

SPFMD: Itong taong po ito. (end)

News Latest News Feed