Press Release
May 6, 2024

Senators Alan Peter and Pia deliver aid to 1,600 residents in La Union

"Bilang BHW, malaking tulong po ito sa pag-aaral ng aking mga anak. May pang gastos na po kami!"

Marica Lucaberte, a dedicated Barangay Health Worker (BHW) in Bacnotan, La Union, couldn't contain her excitement as she expressed her gratitude to Senators Alan Peter and Pia Cayetano for including her among the 1,600 recipients of livelihood assistance in their city during a two-day distribution event on May 2 and 3, 2024.

"Bilang BHW po, nagpupunta po kami sa mga bahay-bahay upang makatulong sa may sakit. Masaya po kami na ngayon po, kami naman ang natulungan. Maraming salamat po dahil may maidadagdag na po kami sa pang araw-araw na gastusin," she added.

The distribution of assistance targeted vulnerable sectors, including solo parents, Persons with Disabilities (PWDs), members of the Tricycle Operators and Drivers Association (TODA), as well as individuals offering medical assistance to the municipality such as the BHWs and Barangay Nutritionists.

Echoing Lucaberte's sentiments was Elmer Higoy, a tricycle driver and a member of BlasTODA in Bacnotan, La Union. According to him, the assistance he received will alleviate the financial strain of providing for his children's education.

"Ang hirap po kumayod ngayon, salamat po sa ating mga senador. Magagamit ko po ito sa pang-allowance ng mga anak ko at sa pagbili ng kanilang baon," he said.

The distribution of aid was carried out in collaboration with the Department of Social Welfare and Development (DSWD) through the Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) Program, in coordination with La Union First District Representative Francisco Paolo Ortega and the local government of Bacnotan led by Mayor Divine Fontanilla.

"Pinakamamahal na mga senador, maraming salamat po sa tulong na ibinigay ninyo sa bayan ng Bacnotan. Makakaasa po kayo sa aming suporta at sana po ay hindi kayo magsawang tumulong sa aming bayan," Fontanilla said as she extended her gratitude to the sibling senators for bringing the program to their city.

Throughout the year, the AICS program has assisted nearly 40,000 individuals, prioritizing support for the most vulnerable sectors in the country. Within the same week, it extended aid to the residents of Bulacan and Ilocos Sur, providing a swift and inclusive approach to crisis response.

The AICS program is just one of the proactive efforts conducted by the sibling senators. For them, their mission is clear: to guarantee that no Filipino will be left behind on the journey towards prosperity.


Senador Alan Peter at Pia, naghatid ng tulong sa 1,600 residente sa La Union

"Bilang BHW, malaking tulong po ito sa pag-aaral ng aking mga anak. May pang gastos na po kami!"

Ito ang naging pahayag ni Marica Lucaberte, isang Barangay Health Worker o BHW sa Bacnotan, La Union, nang makatanggap siya ng tulong mula kina Senador Alan Peter at Pia Cayetano.

Isa si Lucabarte sa 1,600 beneficiaries na nakatanggap ng livelihood assistance sa dalawang araw na pamamahagi nitong May 2 at 3, 2024.

"Bilang BHW po, nagpupunta po kami sa mga bahay-bahay upang makatulong sa may sakit. Masaya po kami na ngayon po, kami naman ang natulungan. Maraming salamat po dahil may maidadagdag na po kami sa pang araw-araw na gastusin," wika niya.

Kabilang sa mga natulungan ang mga miyembro ng sektor ng solo parents, Persons with Disabilities o PWDs, mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association o TODA, pati na rin ang mga BHW at Barangay Nutritionists.

Nagpahayag din ng pasasalamat sa dalawang senador si Elmer Higoy, isang tricycle driver at miyembro ng BlasTODA sa Bacnotan, La Union. Ayon sa kanya, makakatulong ito para sa pangdagdag gastos sa pag-aaral ng kanyang mga anak.

"Ang hirap po kumayod ngayon, salamat po sa ating mga senador. Magagamit ko po ito sa pang-allowance ng mga anak ko at sa pagbili ng kanilang baon," aniya.

Naisakatuparan ang pamamahagi sa tulong ng Department of Social Welfare and Development o DSWD sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS.

Nakipag-ugnayan din ang mga opisina ng magkapatid na senador kina La Union First District Representative Francisco Paolo Ortega at sa lokal na pamahalaan ng Bacnotan sa pamumuno ni Mayor Divine Fontanilla.

"Pinakamamahal na mga senador, maraming salamat po sa tulong na ibinigay ninyo sa bayan ng Bacnotan. Makakaasa po kayo sa aming suporta at sana po ay hindi kayo magsawang tumulong sa aming bayan," wika ni Fontanilla bilang pasasalamat sa magkapatid na senador sa pagdadala ng programa sa kanilang lungsod.

Sa loob ng isang taon, halos 40,000 indibidwal na ang nahangdugan ng tulong ng programang AICS. Sa parehong linggo, nakatanggap din ng livelihood assistance ang mga residente ng Bulacan at Ilocos Sur sa ilalim ng programa.

Isa lamang ang AICS Program sa mga aktibong hakbang na isinasagawa ng magkapatid na senador. Para sa kanila, malinaw ang kanilang layunin: tiyakin na walang Pilipino ang maiiwan sa pagtahak sa daang patungo sa kasaganaan.

News Latest News Feed